Taylor Swift, nagbigay ng $100k sa biktima ng pamamaril sa Super Bowl parade
- BULGAR

- Feb 17, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 17, 2024

NEW YORK - Nagbigay si Taylor Swift ng $100,000 noong Biyernes sa isang fundraiser para sa pamilya ng babaeng namatay sa mass shooting sa victory parade ng Kansas City Chiefs' Super Bowl.
Naglalayon ang page sa GoFundMe na makalikom ng $75,000 para sa pamilya ni Elizabeth Lopez-Galvan.
"Sending my deepest sympathies and condolences in the wake of your devastating loss. With love, Taylor Swift," saad sa mensahe na kasama ng donasyon. Ilang minuto lang ang nakalipas, may pangalawang donasyon sa parehong halaga ang idineposito.
Kinumpirma ng assistant ni Swift sa Variety magazine na ang mga donasyon sa page ay talagang galing sa kanya.
Higit sa 2,000 katao ang nag-donate sa page na nakakalikom na ng higit sa $200,000.
Iniulat naman ng pulisya na ang pamamaril noong Miyerkules ay nagmula sa "alitan" at dalawang menor de edad ang kasama sa mga naaresto.
Ipinagdiwang ng Chiefs football team ang kanilang ikatlong tagumpay sa Super Bowl sa loob ng five seasons matapos talunin ang San Francisco 49ers sa Las Vegas noong Linggo.
Si Swift, na kasalukuyang karelasyon ni Travis Kelce na tight end ng Chiefs, ay regular na dumadalo sa mga laro sa buong season.





Comments