Taun-taon ang MRI… REGINE, GUSTO NANG TUMALON SA BANGIN SA SOBRANG SAKIT NG ULO
- BULGAR

- Feb 1
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 1, 2025
Photo: Regine Velasquez - Instagram
Matinding pagdurusa pala ang pinagdaanan ni Regine Velasquez sa kanyang migraine ilang taon na ang nakararaan.
Sa panayam ni Asia’s Songbird sa vlog ni Ogie Diaz ay isa ito sa kanilang mga napag-usapan.
Ayon kay Regine, nagsimula raw siyang magkaroon ng migraine when she was 35 years old.
“Mataas ‘yung tolerance ko for pain, but I have never felt anything like that,” aniya.
“‘Yung parang luluwa ‘yung mata mo, parang matatanggal lahat ng ngipin mo, ‘yung buong (ulo) mo, masakit. ‘Yung araw, kahit nakapikit ka, masakit siya, ‘yung sa sound,” paglalarawan ni Songbird sa pain na dinadanas niya noon.
Nangyari raw ito bago siya nag-menopause halos dalawang taon na ang nakalipas. Sa sobrang sakit, gusto na raw niyang tumalon sa bangin.
“Imagine mo, every single day, meron kang extreme pain. ‘Di ba gusto mong tumalon sa bangin? For the pain to stop, ginaganu’n ko ‘yung ulo ko, nilulublob ko sa tubig ‘yung ulo ko,” kuwento niya.
Ang masaklap pa ay wala raw painkiller na gumagana sa kanya.
“Nasisira na ‘yung ulo ko. Sumisigaw na talaga ako sa asawa ko (Ogie Alcasid), ‘Hon, make it stop. Make it stop. It’s so painful,’” pagre-recall pa niya.
Aniya pa, kinailangan niyang sumailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) taun-taon para matiyak na wala siyang aneurysm.
May panahon pang dinala siya sa emergency room dahil namaga na ang mga ugat sa kanyang ulo dahil sa dalas ng pag-atake ng migraine.
Sa mga hindi nga raw nakakaintindi ng sakit na ito ay iniisip na nagda-drama lang sila.
“For people na hindi nakakaranas ng ganu’ng pain, you can say that. Pero ‘pag naranasan n’yo, maiintindihan n’yo kung bakit,” sey niya.
“Debilitating (nakakapanghina) talaga,” sambit pa niya.
ESPESYAL para kay Jessica Soho ang tinanggap na Outstanding Filipino-Chinese in Journalism award mula sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) dahil ito raw ang kauna-unahan niyang award mula sa Fil-Chinese community.
Ginanap ang awarding ng FFCCCII kasabay ng Chinese New Year dinner celebration noong Jan. 29 sa Golden Bay Seafood Restaurant.
“This award is special because I’m getting it on my 40th year as a journalist, and because it’s my very first from the Filipino-Chinese or the Tsinoy community,” pahayag ng award-winning broadcast-journalist sa kanyang acceptance speech.
“Akala ko, ho, hindi na kami maa-acknowledge,” biro pa niya.
May dugong Chinese si Jessica dahil sa kanyang lolo.
Aniya, “I give back the honor to my Chinese grandfathers who crossed the seas from Guangdong province in China around 90 years ago to try and make it here. How I wish that one of them is here tonight because this recognition or this award is for them, too.”
Bukod kay Jessica ay pinarangalan din sina dating First Lady Imelda Marcos na tinanggap ng kanyang anak na si Sen. Imee Marcos, National Artist Ricky Lee, industrial designer Kenneth Cobonpue at ang OPM icon na si Jose Mari Chan na hindi rin nakadalo.
The event celebrated the Lunar New Year’s cultural significance and recognized distinguished Filipinos for their exceptional contributions to Philippine society.
Kasabay sa selebrasyon ng Chinese New Year ay ang kick-off ng 50th anniversary of the diplomatic relations between the Philippines and China. Sa June 5 ng taong ito ang pinaka-highlight ng selebrasyon.
Ang nasabing selebrasyon ay nagpapakita rin ng patuloy na paglawak ng pagpapahalaga sa mga tradisyong Tsino kasama na rito ang pagkilala ng UN sa Spring Festival at sa pagdiriwang nito sa maraming bansa tulad ng Singapore, Vietnam, South Korea, Malaysia, Thailand, North America, Japan, Europe, Latin. America, atbp..
Ang taunang Chinese New Year Dinner Reception at Special Awards Ceremony ay pinangunahan ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro.










Comments