top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Taumbayan, ‘di puwedeng kamot-ulo at pikit-mata lang sa taas-presyo ng mga bilihin

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 8, 2023


Non-stop ang paghataw ng inflation o taas-presyo ng mga bilihin.


Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Enero 2023, pumalo ito sa 8.7%, ang pinakamataas simula Nobyembre 2008.


Mas mataas ito kumpara noong Disyembre 2022, kung kailan pumalo ang presyo ng sibuyas sa P720 kada kilo.


Mas mataas ang January inflation kumpara sa naunang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 8.3% lang.


Kahit walang opisyal na report mula sa kinauukulan, talagang ramdam ng mamamayan ang taas at bilis ng taas-presyo.


Sinimulan noong nakaraang taon, lalong humataw nang Kapaskuhan at sumama pa ngayong bagong taon.


Wala namang magawa ang taumbayan kundi ang magkamot-ulo at pikit-matang tanggapin ang mataas na presyo, lalo na sa mga pangunahing bilihin.


Pero hindi naman puwede na palaging ganito. Huwag naman sanang sanayin ang publiko sa biglang price hike na hindi malaman kung paano nangyari. Sunud-sunod na kinapos daw ng supply sa ilang agri products, kaya nagtaas ang presyo, nag-angkat at nabulgar naman ang bilyong halaga ng mga puslit na produkto.


Hanggang sa lumutang na ang umano’y pananabotahe sa ekonomiya. May ilang pangalan na inilabas na sinasabing sangkot sa agri-smuggling at iniimbestigahan, ano na kayang nangyari?


Totoo bang iniimbestigahan? Lahat ba ay matatalupan? Mapapanagot nga kaya? Gobyerno, galaw-galaw!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page