top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tatum, petmalu sa 54 pts, bida rin sa 44 si Middleton

BULGAR
Mar 8, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 8, 2022




Pinaalala ng Milwaukee Bucks kung bakit sila ang kampeon ng NBA at pinalubog ang bisitang Phoenix Suns, 132-122, kahapon sa Fiserv Forum sa paghaharap muli ng dalawang koponan na nagtunggali sa 2021 NBA Finals. Kahit dominado ng Suns ang laban, biglang humataw ang Bucks sa 4th quarter upang itabla ang serye ngayong taon sa 1-1 at magkikita muli kung pareho silang aabot ng 2022 Finals.


Huling hinawakan ng Phoenix ang lamang, 121-120, sa 3-points ni Jae Crowder papasok sa huling 3 minuto subalit mula roon ay isang free throw lang ang kanilang naipasok. Iyon ang pagkakataon para lumayo ang Bucks sa likod ni Khris Middleton na bumanat ng pito ng kanilang huling 12 puntos.

Nagtapos si Middleton na may 44 puntos habang 24 puntos si Jrue Holiday at 19 puntos at 13 rebound si Giannis Antetokounmpo. Gumawa ng 30 puntos si Deandre Ayton para sa Suns subalit kulang pa rin ito sa gitna ng pagliban nina Cameron Johnson, Devin Booker at Chris Paul.

Hindi nagpahuli sa pataasan ng puntos si Jayson Tatum at nagbagsak ng 54 puntos sa 126-120 tagumpay ng Boston Celtics sa Brooklyn Nets. Bumalik galing sa pilay si Jaylen Brown at agad tumulong sa 21 upang manatili sa ika-5 puwesto ang Boston sa Eastern Conference.

Nagpadala ng mensahe si Nikola Jokic na siya pa rin ang MVP ng NBA at bumida sa overtime para itulak ang Denver Nuggets sa 138-130 kontra sa New Orleans Pelicans. Triple double si Jokic na 46 puntos, 12 rebound at 11 assist. Lumikha ng ingay ang kulelat na Houston Rockets ni kabayan Jalen Green nang gulatin ang Memphis Grizzlies, 123-112.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page