top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tatum at Brown, nanambak, Antetokounmpo, naka-50 Pts.

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 17, 2022





Patuloy na ibinabalik nina Jayson Tatum at Jaylen Brown ang tiwala sa kanila at nagsama upang ihatid sa Boston Celtics sa Philadelphia 76ers ang 135-87 panalo sa NBA kahapon sa Wells Fargo Center. Ito na ang ika-siyam na sunod ng Celtics at unti-unting umaakyat sa Eastern Conference sa kartadang 34-25 at solong ika-anim na puwesto.


Bago umupo sa 3rd quarter, nagsabog si Tatum ng 12 sa kanyang 28 puntos na may kasamang 12 rebound habang nagdagdag ng 29 puntos si Brown.


Laman ng usapan sina Tatum at Brown subalit nagpasya ang Boston na huwag nang buwagin ang tambalan. Hindi pa rin naglalaro ang bagong lipat na si James Harden at talagang hinanap ng 76ers ang shooting matapos gumawa ng 19 puntos lang si Joel Embiid.


Ginulat ng bisitang Dallas Mavericks ang numero unong Miami Heat, 107-99. Biglang tumamlay ang Heat sa 4th quarter at kinuha ng Mavs ang pagkakataon. Si Luka Doncic ang nanguna na may 21 puntos at 10 rebound. Sumunod sina Maxi Kleber at Jalen Brunson na may tig-19 puntos at nagdala ng opensa sa pinagsamang 19 puntos.


Binasag ng tres ni Chris Paul ang 90-90 tabla at mula roon ay humataw sa huling 5 minuto ang numero unong Phoenix Suns sa 103-96 na pagwawagi sa Los Angeles Clippers. Humaba sa anim ang magkasunod na panalo ng Suns salamat Devin Booker sa 26 puntos at Mikal Bridges na may 19 puntos.


Nagbagsak ng 50 puntos ang nagbabalik na si Giannis Antetokounmpo at binuhat ang Milwaukee Bucks kontra sa Indiana Pacers, 128-119. Hindi nagpahuli si Trae Young at nagsumite ng 41 puntos sa 124-116 tagumpay ng Atlanta Hawks sa Cleveland Cavaliers.


Anim na rin ang sunod-sunod na tagumpay ng Memphis Grizzlies matapos pigilin ang New Orleans Pelicans, 121-109, salamat kay Tyus Jones na may 27 at Jaren Jackson Jr. na may 23 nang hindi makalaro si All-Star Ja Morant dahil sa pilay. Humalimaw ng 39 puntos si All-Star Karl Anthony Towns para masugpo sa overtime ng Minnesota ang Charlotte Hornets, 126-120.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page