top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tatlong newly appointed police generals, ginagamit ng ex-cop sa "payola" collections?!

BULGAR
Aug 23, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 23, 2022


MPD DIRECTOR GEN. DIZON, SPD DIRECTOR GEN. KRAFT AT NPD DIRECTOR GEN. PENONES, IPINANGHIHINGI NG "PAYOLA" NG EX-COP—Ginagamit umano ngayon ng "tongpats collector" na dating pulis ang mga pangalan nina newly appointed, Manila Police District (MPD) Director, B/Gen. Andre Dizon; Southern Police District (SPD) Director, B/Gen. Kirby John Kraft at Northern Police District (NPD) Director, B/Gen. Ponce Penones para makapanghingi ng weekly payola sa mga gambling lords sa Maynila, Paranaque City, Pasay City, Muntinlupa City, Taguig City, Makati City, Las Pinas City, Pateros, Malabon City at Navotas City.


Naku, eh, kapag nalaman ng tatlong heneral na ginagamit ng dating pulis ang kanilang pangalan sa "tongpats collection", malamang ay "tokhang" ang abutin nito.


◘◘◘


NAWALA LANG SA MALACAÑANG SI EX-P-DUTERTE, NAGLALAKO NA RIN NG SHABU ANG MGA KUBRADOR NG BOOKIES NINA "BOY ABANG" AT "LORNA"—Karamihan umano sa mga kubrador ng bookies nina "Boy Abang" at "Lorna" ay nagbebenta na rin ng shabu sa Tondo, Maynila.


Ang tanong: Wala bang kinalaman sina "Boy Abang" at "Lorna" sa pagbebenta ng droga ng kanilang mga kubrador sa bookies?


Hay naku, nawala lang sa Malacañang si ex-P-Duterte, na may matinding kampanya laban sa droga, pati ang mga kubrador ng bookies sa Maynila ay nagbebenta na rin ng ilegal na droga.


◘◘◘


KAYA PALA HINDI SINIBAK NI FORMER CUSTOMS COMM. GUERRERO SI DIST. COLLECTOR MARITESS MARTIN KASI SIYA PALA ANG NAG-APPOINT DITO SA PORT OF SUBIC—Nang ibulgar ni dating Senate Pres. Vicente "Tito" Sotto III noong April 2022, na kabilang ang Port of Subic sa ginagawang puslitan ng smuggled agri-products ng mga smuggler na sina "Leah Cruz", "Manuel Tan", "Andrew Chang" at "Jun Diamante", dapat ang ginawa ng noo'y Customs head na si Comm. Jagger Guerrero ay bilang "command responsibility" ay sinibak si Subic District Collector Maritess Martin, pero hindi niya ito ginawa—walang sibakang naganap.


Ang dahilan, kaya hindi sinibak ni former Comm, Guerrero si District Collector Martin ay dahil siya pala ang nag-appoint dito sa Port of Subic noong January 2019.


◘◘◘


KAILAN IPAHUHULI NI COMM. RUIZ ANG MGA AGRI-SMUGGLERS?—Ang marching order ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kay Customs Comm. Yogi Filemon Ruiz ay labanan at lansagin ang sindikato ng agri-smuggling sa Adwana.


Nauna rito, pinangalanan na ni ex-Senate Pres. Tito Sotto ang mga bigtime agri smugglers sa bansa, kaya't ang tanong, kailan ay ipapahuli ni Comm. Ruiz sina "Leah Cruz", "Manuel Tan", "Andrew Chang" at "Jun Diamante"?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page