Tatler Story, sasalang sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 27, 2022
Nakatakdang sumalang si Tatler Story sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Tiyak na itotodo ni Tatler Story ang buong puwersa upang makuha ang inaasam na panalo at hindi mabigo ang kanyang mga tagahanga.
Inaasahang magdodomina sa takilya si Tatler Story dahil pusoy siya sa pang-primera ng karera tipsters sa programa.
Makakatagisan ng bilis ni Tatler Story na rerendahan ni Jeffril Tagulao Zarate sina Himanshi, Winning Shot, Agaron at Headstrong sa distansiyang 1,200 meter race.
Komento ng mga karerista, malaki rin ang pag-asang manalo ng iba dahil mga dekalidad na batang kabayo ang maglalaban, ayon sa kanila ay hindi pa permanente ang kanilang takbo at husay kaya may posibilidad na biglang manibago sa pista o sa kondisyon ng panahon.
Nakalaan ang added prize na P10,000 sa mananalong 3-year-old horse sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, 7 races ang pakakawalan ngayong araw ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magsisimula ang karera ng 5 p.m.
Balanse ang line-up kaya naniniwala ang mga karerista na magandang laban ang mga races na ilalarga at siguradong masaya sila sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Tatler Story (1), Agaron (4)
Race 2 - Sir William (2), Full Combat Order (6)
Race 3 - Majestic Star (2), Union Run (7), Can You Guib (5)
Race 4 - Humidor (3), Bonifacio (9), Seven Of Diamonds (7)
Race 5 - Boodle Fight (1), Lockdown (5), Rafa (6)
Race 6 - Achi Holly (2), My Dear Magnolia (3)
Race 7 - Dollarama (1), Ka Emon (4), Goldbar (6)





Comments