top of page

Task Force KKK vs. fake news sa 2025 Election

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 23, 2024



Editorial

Sa nalalapit na halalan sa Mayo 2025, nagpakita ng matinding determinasyon ang Commission on Elections (Comelec) upang labanan ang misinformation at disinformation. 


Ang paglulunsad ng ‘Task Force Katotohanan, Katapatan, Katarungan’ ay isang makabuluhang hakbang patungo sa layuning ito.


Ang Task Force KKK, ang siyang magmo-monitor at magre-regulate ng mga nai-post at nai-publish na nilalaman sa quadri-media (TV, radyo, print at online). Ito umano ay naglalayong mapangalagaan ang integridad ng Comelec.


Sa pamamagitan ng masusing monitoring at imbestigasyon, inaasahang makakatulong ito upang ilantad ang mga anomalya at iwasan ang mga pagtatangkang mandaya. 


Irerekomenda rin ng Task Force KKK ang pag-uusig sa mga nagbibigay ng misinformation, disinformation at malinformation gayundin sa mga malicious actors ngayong laganap ang artificial intelligence at deepfakes.


Ang pagbabalik ng tiwala ng publiko sa sistema ng halalan ay isang malaking hamon para sa Comelec.


Ang transparency sa bawat yugto ng halalan, mula sa registration ng mga botante hanggang sa bilangan ng boto ay mahalaga upang makamit ang layuning ito.


Hindi sapat na ilantad lamang ang pandaraya, mahalaga rin na mapanagot ang mga nasa likod nito.


Sa kabila ng mga hamon, ang paglulunsad ng ‘Task Force Katotohanan, Katapatan, Katarungan’ ay nagbibigay ng pag-asa para sa isang mas malinis at patas na halalan.


Hiling natin na ang inisyatibang ito ay magbigay-daan sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page