Tarush! DANIEL AT KATHRYN, BIBILI NG FARM PARA SA MGA ASO NILA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 21, 2021

Isa pala sa mga pangarap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay makabili ng farm para sa mga aso.
“Gusto naming mag-adopt ng mga aso. ‘Yun ‘yung next project. Hinihintay lang namin ‘yung perfect place namin. I’m planning someday to buy a farm kung saan namin sila dadalhin lahat. Parang retreat for dogs, ganu’n. ‘Yun ang dream namin. Ano lang, dream namin is farm for dogs,” sey ni Daniel sa video na in-upload ng Star Cinema.
Well, as we all know ay parehong mahilig sa aso ang magkasintahan at marami-rami na rin silang alagang fur babies.
Natanong din ang KathNiel kung ano ang puwede nilang ipangako sa isa’t isa at ang sweet ng kanilang sagot.
Ani Kath, “Maybe our never-ending adventures together. Na hindi ako pupunta sa isang lugar na wala siya. Dapat pareho naming unang ma-experience ‘yun, una naming makita, ma-discover. And ganu’n naman talaga, kahit the past year, gusto ko parati, nandu’n siya sa moment na ‘yun at sa mga darating pang taon.”
Pangako naman ni Daniel kay Kathryn, “I promise you that I will do my best to be a better person for you, a better boyfriend for you, and also a better me.”





Comments