top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Target na gold ni Petecio sa Olympics, hahasain sa ASBC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 18, 2022



Ipagpapatuloy ni 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio ang kanyang pangarap na matupad ang gold medal sa Olympiad na susubukang simulan sa pagkuha ng puntos sa ASBC Asian Boxing Championship simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 15 sa Amman, Jordan para sa 2024 Paris Summer Games.


Balik sa kanyang normal na timbang na women’s under-57kgs featherweight division matapos sumabak sa 31st SEA Games sa mas mataas na timbang sa 60kgs lightweight category, kung saan nagtapos lang ito sa bronze medal nang mabigo sa semifinal round sa kontrobersyal na laban kay Tran Thi Linh ng Vietnam sa 2-3 split decision.


Balik na siya (Petecio) du'n sa regular weight niya kase saying naman yung makukulektang puntos kung di siya lalaro roon sa timbang na nilalabanan niya,” pahayag ni women’s head coach Rey Galido. “Kapag nanalo ay malaki ang points mo sa ranking sa weight mo, so very important talaga na sumali kami.”


Sa mismong timbang napagwagian ng 30-anyos na tubong Santa Cruz, Davao del Sur ang gold medal sa 2019 AIBA World women’s Championships sa Ulan-Ude, Russia nang talunin si Russian Liudmila Vorontsova sa finals at isa pang gold medal sa 2019 SEAG sa PICC sa Pasay City.


Makakasama ng kauna-unahang Filipina na nagwagi ng medalya sa boksing sa prestihiyosong kompetisyon na isa sa mga pagkukunan ng puntos para sa Summer Olympic Games sina boxing prospect Althea Pores sa women’s 48kgs, SEAG medalists Aira Villegas sa 50kgs, Olympian Irish Magno sa 54kgs at Asian Championships titlist Hergie Bacyadan (women’s 75kgs).


Magkakasama sa training camp sa Colorado Springs sa U.S. sina Villegas, Bacyagan at Olympian Rogen Ladon, kabilang si Australian foreign coach Don Abnett, habang nasa Baguio City ang iba pang mga boksingera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page