top of page

Tapyas sa presyo ng petrolyo, kulang... P10 taas-pasahe sa jeep

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | April 21, 2026



Welga ng mga driver sa PIlipinas - PISTON


Naghain ng petisyon ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang hilingin ang P10 dagdag sa minimum na pasahe sa jeepney sa buong bansa.


Ayon sa grupo, kinakailangan ang agarang taas-pasahe dahil sa patuloy na pagmahal ng presyo ng diesel na umano’y lumampas na sa P150 kada litro.


Iginiit ng Piston na hindi na sapat ang kasalukuyang kita ng mga drayber upang matustusan ang pang-araw-araw na gastos, kabilang ang pagbili ng krudo, pagbabayad ng boundary, at pangsuporta sa kanilang pamilya.


Bagama’t may rollback, nasa P3,000 pa rin umano ang kita na nawawala sa kanilang mga drayber na araw-araw namamasada sa kabila ng mataas na presyo ng krudo at mga nakapatong na buwis. 


Sa kanilang petisyon, hiniling ng grupo ang P10 dagdag sa unang apat na kilometro ng biyahe.


Sa kasalukuyan, ang minimum na pasahe ay P13 na ‘pag naaprubahan ang petisyon ay magiging P23 na.


Binigyang-diin ng Piston na kung hindi maaaprubahan ang kanilang hirit, lalo pang mahihirapan ang sektor ng pampublikong transportasyon na ipagpatuloy ang kanilang operasyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page