TAPE, Inc., tuloy sa paggamit ng EB!... TVJ: SADYANG MAY MAKAKAPAL ANG MUKHA
- BULGAR
- Dec 9, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | December 9, 2023

"Sadyang may makakapal ang mukha," ang ilan lamang sa mga binitawang salita ng TVJ sa isyu kung patuloy pa ring gagamitin ng TAPE, Inc. ang titulong Eat Bulaga! despite IPOPhil's decision to cancel its registration.
"Kanselado na nga, meaning wala na silang right to use it," susog pa ni Atty. Enrique dela Cruz a.k.a. Atty. Buko na nagsabi ring "appealable" pa naman ang isyu.
Ipinaliwanag din ng magaling na abogado na kung tutuusin daw ay since day one pa dapat na ginagamit ng TVJ ang nasabing trademark pero dahil "mababait at marerespeto" ang mga ito, gusto nilang sundin ang proseso ng batas.
At nito ngang may desisyon na batas, "’Yun nga, sana naman ay pairalin nila ang respeto."
"Well, that's free publicity. Aminin man nila o hindi, nakikinabang sila (TAPE, Inc.) sa ingay na nalilikha ng mga ganitong usapin," segue ng ilang mga observers sa tila pagmamatigas ng TAPE, Inc. na gamitin pa rin ang title na Eat…Bulaga! sa show nila.
Pero dahil sinasabi nga rinl ng batas na puwede silang mag-apela nang mag-apela hanggang makarating ito sa Supreme Court, ‘yun pa rin ang magiging laban ng TAPE, Inc..
"Pahabaan na lang ng pisi kumbaga. Baka nga abutin pa ng another 44 years," ang tila nagpapatawa namang komento ng mga netizens sa socmed.








Comments