‘Wag din daw magtiwala agad ng pera… DINGDONG AT MARIAN, PINAG-IINGAT SA BIYAHE
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 6, 2026

Photo: IG _@dongdantes
Pinag-iingat ng feng shui expert na si Johnson Chua ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong 2026, Year of the Fire Horse.
Sa panayam ng Unang Hirit (UH), sinabi ng nasabing feng shui consultant na Year of the Metal Monkey si Dingdong, na isinilang noong August 2, 1980, habang si Marian naman ay Year of the Wood Rat dahil ipinanganak siya noong August 12, 1984.
Compatible o ‘allies’ daw ang Rat at Monkey.
Aniya, “One good thing is ‘di lang sila pang-partner in terms of celebrity, partner din sila in life. Tapos ‘yung mga decisions nila, nagiging intact s’ya.”
Ngunit ngayong 2026, nagbigay siya ng babala sa Showbiz Royalty couple na huwag masyadong magtiwala.
“Example, baka may mga pinaplano silang investment o mga business na gustong gawin,
need to be more careful lang sila konti sa mga conflict and trust issue. ‘Wag lang mabilis masyadong magtiwala,” ang payo ng feng shui expert.
Pinag-iingat din niya ang mag-asawa sa aksidente, partikular sa pagbibiyahe.
“Saka in terms of travel, maging maingat lang po sa accidents. So wala munang masyadong mga high-risk adventure o sports. Medyo chillax (relax) lang,” saad pa ni Chua.
Maganda naman ang pangitain ng feng shui expert sa isa pang Kapuso celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Aniya, mas magiging bongga ang kanilang respective career this year.
on May 12, 1981, Metal Rooster ang sign ni Dennis, at marami raw ‘chances of new ideas’ na darating para sa kanyang personal at showbiz life.
Ipinanganak naman si Jennylyn noong May 15, 1987, o Fire Rabbit.
Ayon kay Johnson, Rabbit ang numero unong sign ngayong 2026, kaya ‘more opportunity, more projects para sa kanya.
Ngunit hindi raw maiiwasan ang conflict sa pagitan ng Rabbit at Rooster, at importante raw na parating open ang kanilang communication para mapag-usapan nang maayos ang kanilang mga issues.
“Although when you talk about conflict, hindi naman po talaga siya malas. Conflict, meaning nagkakaroon sila ng mga diskusyon kasi magkaiba sila ng pananaw. As long as they can respect each other’s decision, they can compromise, then no problem po s’ya,” sey ni Johnson.
May hula rin siya para sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, na ipinanganak noong January 2, 1992, o Year of the Metal Sheep.
Ayon kay Chua, maganda pa rin daw ang taong 2026 para kay Alden. Ang Sheep ay best friend ng Horse, kaya ‘very strong’ daw para sa aktor ang kanyang mga local and international collaborations.
Aniya, “So, chances, baka meron s’yang magawa for the year na masa-shock tayong lahat.”
Maganda rin ang nakikita niya sa love life ni Alden dahil baka magkaroon na raw ito ng girlfriend this year.
“But action is very important. Minsan meron s’yang gusto, meron s’yang kailangang gawin. Pero ‘yung action n’ya, medyo conflicting. Mas nauuna kasi minsan ‘yung work than the personal things na gusto n’ya talaga.”
naman pala ang 2026 para sa ilang Kapuso stars!
Sey nga nila, ito ay mga gabay lamang…








Comments