Taong 2020 pa, nagte-training na para sa national team… JULIANA, PANGARAP MAGING OLYMPIAN
- BULGAR

- Jul 15
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 15, 2025
Photo: Juliana Gomez - IG
Magkasama ang mag-amang Richard Gomez (Goma) at Juliana sa Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa Thailand sa darating na Disyembre.
Matutupad na ang matagal nang pangarap ng anak ni Goma na maging kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng fencing. Doble ang saya ni Juliana dahil makakasama niya ang ama na isa rin sa mga kalahok sa SEA Games.
Pahayag niya, “I feel an enormous sense of pride in being able to represent the Philippines in the upcoming SEA Games. I’ve always known about this competition because my dad was a national team member for the Philippine fencing team for many years. Like any other national athlete, I want nothing more than to showcase the best that Philippine fencing has to offer.”
Pagbabahagi pa niya, “My journey to make it to the national team started in 2020. I fell short of a spot in the past four qualifying seasons. That being said, I’ve been trying to make the team for a few years now, so my training since 2020 has never really stopped. Being part of the national team was always the goal for me, as a spot on the team allows you to compete in fencing’s biggest competitions.”
Ayun na nga, nagbunga na ang pagtitiyaga ni Juliana.
“Contributing to the medal count would be good,” sey niya, “But what I truly want is to win gold for the country,” pahabol pa nito.
Hindi nagtatapos ang ambisyon ni Juliana sa SEA Games dahil may goal pa rin siyang inaasam – ang maging Olympian.
“Of course! That will always be my goal. I intend to one day make it to the Olympics together with my teammates,” deklara niya.
Bongga naman pala!
MULI na namang nagpakilig sa mga netizens ang road trip ng magdyowang Sue Ramirez at Dominic Roque.
Ifinlex ng actor ang road trip nila ng aktres sa kanyang Instagram (IG) Story.
Tinanong ni Dom si Sue, “Saan tayo punta?” habang nakaangkas ang aktres.
Walang pag-aatubiling sagot ng girlfriend, “Hanggang maubos natin lahat ng kalsada.”
Dahil dito, maraming netizens ang talaga namang napasabi ng ‘sana all’ sa comment section.
Ibinahagi rin ni Sue sa kanyang opisyal na Instagram (IG) page ang ilang mga larawan at video mula sa kanilang masayang road trip na talagang nag-viral online.
Base sa mga posts ni Sue at pati na rin sa kanyang geotag, tila nagpunta ang couple sa Baguio, kung saan sila kumain ng masasarap na pagkain at nag-enjoy sa piling ng isa’t isa.
Sa comment section ng parehong post, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta at good vibes para kina Sue at Dominic. Ang ilan ay nagsabing bagay na bagay talaga ang dalawa, habang ang iba nama’y umaasang ‘road to forever’ na nga ang relasyon nila.
“Basta ako, ito na ang forever love team ko,” sabi pa ng isang netizen sa comment section.
After 21 yrs…
BELL’S PALSY BUMALIK, GERARD, INATAKE ULI
MULI na namang dumaan sa pagsubok ang aktor na si Gerard Pizarras dahil bumalik ang Bell’s Palsy niya matapos ang 21 taon.
Ayon sa misis niyang si Jan Marini, agad na sumailalim sa iba’t ibang therapy si Gerard gaya ng acupuncture, chiropractic care, at hyperbaric treatment para sa mabilisang paggaling.
Sa loob lamang ng 21 araw ay tuluyang naka-recover si Gerard, dahilan para purihin ni Jan ang Diyos at ang mga tumulong sa kanilang pribadong laban.
Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga doktor, wellness centers, at mga kaibigan na nagpadala ng natural remedies at nagbigay ng suporta sa gitna ng pagsubok.
Malaki rin ang naging papel ng Doc Rob’s Chiropractic na pinamumunuan ni Rob Walcher at ng aktres na si Patricia Javier.
pagsasama. Unang naging pagsubok sa buhay nila ang unang diagnosis ni Gerard. Aminado siyang naging mahirap ito, pero dito rin nasubok ang kanilang
pagmamahalan, katatagan, at pasensiya — na lalong nagpapatibay sa kanilang relasyon.










Comments