top of page

Taob kay Darren… BILLY, MAS BONGGA ANG CAREER SA FRANCE KESA SA ‘PINAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 25, 20255



Photo: Billy Crawford - IG


Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-solo concert si Billy Crawford dito sa ‘Pinas. Naunahan pa siya ni Darren Espanto at ng iba pang baguhang singers. 


Mas nag-hit si Billy sa Paris, France at big hit ang kanyang concert na ginanap sa Olympia Stadium. Dinumog at tinangkilik ng mga French ang kanyang concert, ganu’n din ng ilang Pinoy na naninirahan doon. 


Ilang taon ding nanirahan noon sa Paris si Billy dahil nag-hit ang kanyang ini-record na single na Trakking. Mahusay ding magsalita ng French si Billy, kaya at home na at home siya ‘pag nasa nasabing bansa. 


Well, pursigido si Billy sa kanyang career ngayon dahil parating ang kanilang Baby No. 2 ni Coleen. Kapag nasa ‘Pinas si Billy ay ang pagho-host ng mga reality-talent shows ang kanyang pinagkakaabalahan. 


Well, bukod sa singing at dancing, forte ni Billy Crawford ang hosting kaya hindi siya nababakante sa trabaho.


‘Di apektado sa mga nangungulit… KARYLLE AT YAEL, HAPPY KAHIT WALA PA RING ANAK


TEN years nang mag-asawa sina Karylle at Yael Yuzon. Kaya kapag binabalikan nila ang kanilang nakaraan, madalas ay sinasabi nilang hindi nila expected na sila ay magkakatuluyan. 


Hindi raw kasi madaling ma-fall sa babae si Yael, at si Karylle naman ay may pagka-conservative type. 


Pero ang hindi malilimutan ni Karylle ay ang ginawang pagpu-push nina Luis Manzano at Billy Crawford kay Yael upang sila ay magkalapit sa isa’t isa. Bale sina Luis at Billy ang naging tulay at matchmaker nila, at hindi sila nabigo sa kanilang pagiging kupido. 


Dahil parehong mahilig sa musika, nagkasundo at tumagal ang pagsasama nina Karylle at Yael. Anak na lang ang kulang sa kanila upang ganap na makumpleto ang kanilang kaligayahan. 


Ganunpaman, hindi nagpapa-pressure sina Karylle at Yael sa pangungulit ng mga tao sa kanilang paligid. Naniniwala si Karylle na darating din sa tamang panahon ang kanilang “little angel”. 


Besides, masaya naman sila ngayon sa kanilang married life.



PUNO ng action at mabilis ang pacing ng bagong action serye nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang Sanggang Dikit FR (SDFR)


Napasabak si Jen sa kanyang role bilang pulis. Ang cute ng mga eksena nila ni Dennis bilang magka-tandem sa paglaban sa masasama. 


Pahinga muna si Dennis sa mga madadramang pagganap, ganoon din si Jennylyn. At dahil husband and wife sila in real life, kampante sila sa kanilang mga eksena sa SDFR.

At kahit magaling na dramatic actress si Jennylyn, humihingi siya ng advice kay Dennis kung paano gagawin ang ilang action scenes. Kailangan na astig ang porma ni Jen dahil mga gangsters ang kanilang kalaban. 


Well, physically demanding ang role nina Jen at Dennis bilang mga police officers sa SDFR pero magaan at hindi sila emotionally drained. 


In fact, excited si Jennylyn sa kanyang mga action scenes.


Samantala, marami naman ang humanga kay Dennis Trillo dahil hindi siya nagpapa-double sa mga delikadong stunts na kanyang ginagawa sa serye. Kinakarir niya ang kanyang pagiging police officer.



MATAGAL nang mag-BFF sina Mikee Quintos at Mikoy Morales. Malalim ang kanilang pinagsamahan bilang magkaibigan, nagdadamayan sila kapag may problema ang isa’t isa. Magkasama silang nagdiriwang sa panahon ng kanilang tagumpay.


Kaya naman, mistulang magkapatid na ang turingan nina Mikee at Mikoy. 

Masaya ang aktres dahil natagpuan na ni Mikoy ang kanyang “the one” at plano na nga nilang magpakasal. 


At dahil si Mikee ang BFF ni Mikoy, siya na rin ang kinuhang best woman ng aktor sa kanyang kasal. Sa halip na ‘best man’, ‘best woman’ ang gusto ni Mikoy na maging bahagi sa araw ng kasal nila ng nobyang si Iza Garcia.


Samantala, super-proud naman ang parents ni Mikee Quintos dahil nag-graduate na ito sa kursong Architecture. Nagawang pagsabayin ni Mikee ang kanyang career at pag-aaral. Malaking achievement ito para kay Mikee dahil may maipagmamalaki na siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page