top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tanong sa witness, sablay... Risa, sopla kay Pia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 8, 2026



Risa Hontiveros at Pia Cayetano - Senate PH

Photo: Senate PH



Naghain ng mosyon si Senator-judge Pia Cayetano na i-strike out o burahin sa rekord ng impeachment court ang naging tugon ng prosekusyon sa tanong ni Senator-judge Risa Hontiveros sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


Ayon kay Cayetano, ang naging sagot ng prosekusyon ay mistulang closing statement na at hindi na simpleng tugon sa tanong ng senator-judge.


“When we allow this to happen, na-shortcut na natin ‘yung process!” giit ni Cayetano.

Nauna rito, kinuwestiyon ni Hontiveros ang prosekusyon matapos iprisinta ang mga video kung saan umano’y nagbitiw ang Bise Presidente ng mga pahayag na may kaugnayan sa banta ng asasinasyon.


Sa pagdinig, tinanong ni Hontiveros ang prosekusyon kung paano mapatutunayan ng mga naturang pahayag na talagang kumuha o nagkontrata si Duterte ng isang assassin.


Bilang tugon, sinabi ni Prosecutor Virgil Ligutan na bagama’t hindi direktang pinatutunayan ng mga video na umupa ng assassin si Duterte, maaari pa rin itong tanggapin bilang ebidensiya sa ilalim ng Rule 130, Section 35 upang ipakita ang umano’y intensiyon, kaalaman, plano, at pattern of conduct ni Duterte.


Ayon kay Ligutan, ang mga pahayag noong Nobyembre 24 ay nagsilbing kasukdulan ng sunod-sunod na umano’y mga pahayag na nagpapakita ng intensiyon ng Bise Presidente.


Samantala, pinaalalahanan ni Presiding Officer Francis Escudero ang mga senator-judges na iwasan ang pagtatanong ng mga usaping maaaring magtulak sa pagbuo ng konklusyon hinggil sa kaso habang nasa yugto pa lamang ng pagpresenta ng ebidensiya.

Nagpasya rin si Escudero na i-table o ipagpaliban muna ang pagdedesisyon sa mosyon ni Cayetano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page