top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Tanggol, solo na ni Ivana… LOVI, TSINUGI NA SA SERYE NI COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 6, 2024




Marami ang nagulat sa pagpatay sa karakter ni Lovi Poe sa Batang Quiapo. May mga supporters ang aktres na nagsasabing diumano'y parang sinayang lang ng produksiyon ang galing ni Lovi na sumikat ang karakter sa serye bilang si Mokang. 


May mga nagsasabi namang parang ginamit lang si Lovi para magkaroon ng ka-love team ang karakter ni Coco Martin bilang si Tanggol.


May mga avid viewers namang nagsasabing wala nang patutunguhan pa ang karakter ni Lovi lalo't naging asawa na ito ng tatay (Boyet de Leon) ni Tanggol at hindi na raw magandang panoorin pa na pinagsasaluhan ng mag-ama ang iisang babae.


Ganyan lang naman ang mga reaksiyong nakarating sa amin habang si Lovi ay nagpapasalamat naman sa sambayanan dahil sa pagsuporta sa kanya sa Batang Quiapo.


Ang ibig daw bang sabihin nito ay si Ivana Alawi na ang solong magmamay-ari kay Tanggol?

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page