Tanggap naman daw ni AJ… ALJUR AT KYLIE, MAGSASAMA ULI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 29, 2026

Photo: IG Aljur at Kylie Padilla
Wala pa mang opisyal na announcement ang GMA-7, marami na ang natuwa sa balitang magsasama sa isang project ng network ang former couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Kabilang daw ang dalawa sa magbibida sa action series na Task Force Firewall (TFF).
Una nang nabalita na kasama sa cast sina Miguel Tanfelix at Eman Bacosa Pacquiao, pero wala pa ring kumpirmasyon.

Kung totoo ito, ibig sabihin ay balik-GMA na si Aljur matapos niyang umalis sa network at nagkademandahan pa.
Matagal na hindi nagpunta sa GMA si Aljur at nakita lang uli siya nang mag-guest sa TikToClock with Kris Bernal.
Well, hindi na magseselos si AJ Raval kung magkatrabaho man uli ang mag-ex dahil napatunayan na ng mister niyang si Aljur Abrenica na mahal siya nito at nakapag-move on na sa dating misis na si Kylie Padilla.
Ten days na ang lumipas mula nang mag-grand opening ng second branch ng McDonald’s fastfood chain si Alden Richards sa Sta. Rosa, Laguna, pero marami pa ring tao.
Sa dami ng tao, para raw may meet-and-greet ang aktor at maganda ito sa negosyo.
Kaya lang, may mga nagpo-post na sa dami ng tao, matagal daw maibigay ang order at may nagreklamo pa sa size ng chicken.
Natural na matagal dumating ang order dahil nga sa dami ng tao. Pagdating naman sa size ng chicken, hindi na ‘yun kasalanan ni Alden. May commissary (sentral na kusina o bodega na pinanggagalingan at pinaghahandaan ng pagkain para sa mga branch) naman ang McDo at idine-deliver sa mga branches ang mga lulutuin.
Nakadagdag pa sa dami ng tao ang iba na pumupunta lang para magpa-pictorial dahil kakaiba ang McDo store ni Alden sa Sta. Rosa, Laguna. Heritage house ito at Instagrammable. May mga pumupunta rin para lang makita si Alden, kaya lang sa sobrang busy nito, hindi na muling nakabisita.
And speaking of Alden, halos araw-araw ay may schedule ito at dagdag sa nagpapabigat sa schedule ang launching at contract signing ng mga endorsements.
Mas magiging busy pa ito kapag nagsimula na ang airing ng Stars On The Floor (SOTF) sa February 15 dahil sunud-sunod din ang taping.
Puno rin ang March schedule ni Alden dahil maghahanda siya sa sasalihang IronMan 70.3 Davao, his first triathlon relay. Makakasama niya sina Nico Bolzico for the running leg, Wil Dasovich for the swimming leg at si Alden sa cycling leg.
Sa March din matatapos ang ipinapatayong bahay ng aktor at super excited na siya rito. Hands-on siya sa pagpapaganda ng interior ng bahay, at sa ipinasisilip na pag-aayos ng kanyang interior designer, pati ikaw ay mae-excite na makita itong tapos.
Of course, paghahandaan din ni Alden ang taping ng Love, Siargao (LS) nila ni Nadine Lustre at taping ng Code Gray (CG). Sina L.A. Madridejos at Mark dela Cruz ang mga directors ng medical series na eere this year.
ANG refreshing mag-interview ng new talent na hindi pa filtered ang mga sagot. Natural ang maririnig mong sagot at kuwento.
Ganito si Kyle Raphael, ang mahusay na songwriter-singer na nadiskubre ng Viva Records matapos manalo sa Himig Handog (HH).
Pinapirma siya ng kontrata ng Viva bilang songwriter. Nang i-demo ang kanyang mga compositions, nadiskubre na mahusay din siyang singer. Ang resulta nito ay ang mga komposisyon na Libu-Libong Buwan (Uuwian), Kung Para Sa ‘Yo, Kahit Kailan at iba pang mga songs na hataw sa pagba-viral at may milyones na views at streaming sa Spotify.
Nag-front act si Kyle sa RAAA! concert last December at masusubukan ang lakas niya sa mga fans sa first solo gig niya sa Viva Café billed Uuwian Gig. For this gig, stay muna si Kyle sa Manila at iniwan muna sandali ang Davao City.
Samantala, naaliw kami sa kuwento nitong ang mom niya ang nag-make-up sa kanya sa guesting niya sa RAAA! at sa Davao pa siya mineyk-apan. Hindi rin daw niya na-anticipate ang trapik sa Manila kaya na-late siya.
Promise nito, hindi na siya male-late at may glam team na rin siya to do his makeup at mag-aayos ng buhok at outfit niya.
‘Kaaliw din ang inamin nitong frugal siya like his parents at mula sa kanyang mga earnings, nakabili siya for the first time ng Converse shoes na branded. Ang gusto siguro niyang sabihin, legit na Converse shoes ito.
Masaya rin si Kyle dahil kasama sa OST (official soundtrack) ng The Loved One (TLO) movie nina Anne Curtis at Jericho Rosales ang song niyang Kung Para Sa ‘Yo.
Ang ganda kung makasama siya sa promo ng movie para mas makilala siya.








Comments