Tanggap na ni Jodi… IWA, HAPPY NA MAGIGING LEGAL NANG MISIS NI PAMPI
- BULGAR

- Feb 21
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 21, 2026

Photo: FB Iwa Moto
Engaged na si Iwa Moto at ang ex-husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson.
Present ang Kapamilya actress sa engagement ng dati niyang mister na si Pampi, ang anak ni Panfilo Lacson, kung saan nabiyayaan sila ng anak na si Thirdy.
Hindi nag-grow ang marriage ng dating mag-asawa dahil sa cheater umanong ex-mister.
Matagal ding ininda ng aktres ang paghihiwalay nila ni Pampi, pero naka-move on na siya at idinaan sa trabaho ang nangyari sa kanyang married life.
Taon ang lumipas bago napatawad ni Jodi ang ex at si Iwa, dahil nakikita niya kung paano rin alagaan ng Kapuso actress ang anak nila ni Pampi na si Thirdy.
Naging maayos ang pagsasama ng ex at present wife ni Pampi, kung saan naging magkaibigan pa ang dalawa, na bibihirang mangyari.
Ang mensahe ni Jodi kina Pampi at Iwa, “Life has a beautiful way of unfolding. Congratulations on your engagement, Madam (Iwa) and Pampi. Rejoicing with you both. This milestone is truly significant for the whole family.”
Komento ng mga netizens:
“Acceptance na lang ang peg ni Jodi. Pero masakit pa rin ‘yun.”
“‘Pag wala nang feelings sa isa’t isa ang dating mag-asawa, wala nang hatred and bitterness.
Magiging happy na lang sila sa isa’t isa alang-alang sa anak.”
“Mahal n’ya si Iwa kasi si Iwa rin ang second mom ng anak n’ya.”
“Madalas sa mga naghiwalay na mag-partner o mag-asawa na may anak, usually red flag ang lalaki.”
“Buti pa si Jodi, ang lawak ng pag-iisip. ‘Yung isa kasi, puro na abo ang pag-iisip.”
Hay, kung sino man ang pinatutungkulan ng commenter na ito, iwan na lang natin sa hangin. Huwag nang pag-aksayahan ng panahon.
Basta masaya na si Iwa dahil magiging legal na Mrs. Pampi Lacson na siya.
ISA na rin si Meg Imperial sa mga nagparinig sa social media post niya laban sa controversial ngayong si Alvin Aragon.
Nagbigay siya ng opinyon tungkol sa mga public figure kung saan ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa respeto.
Binigyang-diin niya na ang propesyon ng isang tao ay hindi dapat maging dahilan ng kahihiyan o paghuhusga.
Binanggit ng aktres na normal lang ang mga pagkakaiba at hindi dapat gamitin para kontrolin ang isang kapareha.
Nilinaw niya na ang kanyang post ay isang opinyon at hindi isang pag-atake. Hinimok din niyang igalang ang dynamics ng iba.
Sey niya, “Ramdam ko ang gigil ng ilan sa inyo. Sana lang, masaya sila.”
Binanggit din ni Imperial ang propesyonal na paggalang, lalo na para sa mga tagapagtanghal.
Pagdidiin niya, “Nakilala mo s’ya as a dancer. That’s a job. Hindi ‘yun kabastusan, ‘di rin kahihiyan. It’s a profession and she deserves respect as a person.”
Sabi pa ni Meg, “Minsan, ang pagiging conservative, ‘di dapat nagmumukhang kontrolado ang partner. Humility is louder than preaching.”
Pinuri naman ng kanyang mga supporters ang kanyang opinyon.
Wala mang tinutukoy ang aktres pero gets na ng lahat kung sino ang pinatutungkulan niya sa post dahil na rin sa recent statement ni Alvin na “pinag-resign” ni Lord ang asawang si Izzy Trazona sa Sexbomb Dancers.




Comments