top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Tanggap na ‘di na babalik ang dyowa… DANIEL, NAG-CONGRATS KINA KATHRYN AT MAYOR MARK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 12, 2025



  • Daniel Padilla - IG

Photo: Daniel Padilla - IG


Marami ang nakapansin sa pag-a-adlib ni Daniel Padilla habang kinakanta niya ang Hanggang Kailan-Umuwi Ka Na Baby ng Orange & Lemons sa thanksgiving party ng Incognito series.


One week na lang at magtatapos na ang action serye nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Anthony Jennings, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Deejay, kaya’t nagkaroon ng thanksgiving party ang buong cast ng Incognito sa Noctos Music Bar, Quezon City.


Sa nasabing kasiyahan ay bumida sa kantahan si Daniel kasama ang iba pang artista.


Kinilig at natuwa ang mga fans nang marinig ang mas emosyonal at malalim na boses ni Daniel habang kinakanta ang mga OPM hits gaya ng Ako’y Sa Iyo, Ika’y Sa Akin at Hanggang Kailan.


Sa Hanggang Kailan song ay nagawa ni Deejay na lagyan ng adlib ang linyang “Mahulog ang loob mo sa iba,” at saka binanggit niya ang salitang “Congrats!”

Viral sa social media ang nasabing adlib ng aktor kung saan nagdulot ng intriga at kilig sa mga netizens.


Isang fan ang nagtanong, “Para kanino ang ‘Congrats,’ Deej?”


May mga nagsabi naman na baka raw patama ito ng aktor at tanggap na hindi na babalik ang ex na si Kathryn Bernardo na balitang dyowa na ngayon ni Lucena Mayor Mark Alcala.



Naging usap-usapan sa social media ang sorpresang ibinigay ni Donny Pangilinan sa eskuwelahang kanyang pinasukan noong bata pa siya.


Pinahanga at pinaiyak ng Kapamilya actor ang maraming netizens sa social media matapos nitong sorpresahin ang kanyang mga dating grade school teachers.


Sa kanyang YouTube (YT) channel, kung saan ibinahagi niya ang pagbabalik sa dati niyang paaralan ay nagkuwento si Donny kung kailan siya pumasok dito.


“Okay, so backstory, for those who don’t know. Before Brent and moving to Laguna, I used to study in this small school called Learning Tree. It’s a small Christian school where me and my siblings went. It’s also the school where some of my cousins went,” kuwento niya.


Ibinahagi rin ni Donny kung gaano kahalaga sa kanya ang Learning Tree, at kung paano siya hinubog nito bilang bata. 


Sey niya, “This school is very, very close to my heart because I basically grew up here. As a young boy, there were a lot of values that they taught me.” 


Dagdag pa niya, “Looking back sa childhood ko, siguro, wala talagang Donny ngayon kung walang Learning Tree.”


Masayang binati ni Donny ang mga guro at staff, at pati na rin ang mga estudyante. Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang inihanda niyang regalo para sa paaralan.


Sa latter part ng video, makikitang may hawak siyang malaking sintra board para sa school na ang nakalagay: “On behalf of Donato, I would like to offer this to The Learning Tree and you can use this however you please cause I trust that your judgment is right so I will be giving you a cheque of 1 million pesos,”


Agad na umani ng papuri mula sa mga netizens ang ginawa ng Kapamilya star, at karamihan sa kanila ay hindi napigilang maging emosyonal sa napanood.


“This just made me cry, super. The man that you are, Donny!”

“Sana all has a heart like his. I will be forever proud of looking up to him.” 


“Donny is so kind and generous. He is so genuine. Upon watching the video, nakakaiyak kasi I’m a teacher too.”


Bibihira ang ganitong pagkakataon para sa isang mag-aaral na hindi kinalimutan ang paaralang unang nakatulong sa kanyang edukasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page