top of page

Tameme sa hiwalayan… SUNSHINE, NAGSALITA SA KALAT NANG BUNTIS KAY ATONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 20, 2025



Sunshine Cruz - IG

Photo: Sunshine Cruz - IG



Pinabulaanan ni Sunshine Cruz na buntis siya sa boyfriend na si Atong Ang.

Nababalita pang nag-e-expect ang kanyang tatlong Maria sa kanyang pagbubuntis.

Muli ay pinasinungalingan ng aktres ang lumalabas na balita.


“FAKE NEWS po ang lahat ng ito, guys, for your information,” ani Sunshine, sabay pakita ng screenshots ng false reports sa kanyang Facebook (FB) page.


“These accounts are not legit and they make up stories for views. Every click from us ay kumikita sila kaya nagkakalat sila ng mga imbentong kwento usually dito sa FB at sa YouTube (YT),” wika niya.


Dagdag pa niya, “‘Wag po tayo basta maniwala sa mga gawa-gawang kuwento.”

Ipinunto rin niya ang ibang false headlines na ibinabato sa kanya.


Aniya, “Few weeks ago, binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko. Surprisingly, marami ang naniniwala na totoo itong mga

ganitong klaseng kuwento.”


May lumabas pa ngang hiwalay na rin daw sila ng gambling tycoon na si Atong.

Mukhang nagiging paborito ng ilegal na content creators na gawan ng fake news si Sunshine. Ano sa palagay n’yo?


Anyway, eto ang mga komento ng mga netizens:


“May mga taong handang magpakababa para lang mabuhay. And when you confront them or press charges against them, they will throw you ‘Kailangan po namin ng pambili ng gatas ng anak namin.’ Nakakaawa.”


Hindi sinagot ng aktres kung hiwalay na nga ba sila ni Atong Ang, kaya may nagtanong, “So, kayo pa rin ni Atong?”


Sabi naman ng isa, “Grabe ang mga so-called content creators. Totoong maraming naniniwala sa fake news. Sana, may masampulan.”


“Makipag-break ka na kasi kay Atong Ang, ‘yan ang i-announce mo. Napaka-nega n’ya ngayon, nasasangkot sa missing sabungeros. Para matahimik ang buhay mo, sa ‘yo dapat mismo manggaling na wala ka nang koneksiyon sa kanya.”


“Bakit ito mahalaga sa ‘yo? Break or not, wala na tayo du’n. Point is, hindi tama ang mga lumalabas na fake news sa kanila ng mga anak ni Sunshine o kahit sa ibang artista pa.”

Ano’ng sey mo, Sunshine?



UNTI-UNTI nang nakapagpundar ng mga gamit si Shuvee Etrata. Kamakailan lang ay nakabili na siya ng una niyang car na ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Buong pagmamalaki siyang nakatayo sa tabi ng bagong puting SUV.

Sa kanyang caption, “Higit sa isang kotse, ito ay isang panaginip na totoo.”

Dagdag pa niya, “Brb (be right back), umiiyak dahil sa wakas ay nakuha ko na ang aking unang kotse.”


Mensahe niya sa mga breadwinners, “More than just a car, it’s a dream come true! Laban, mga breadwinners. Kung kaya ko, kaya mo rin!”

Ang susunod naman daw na pag-iipunan niya ay ang makapagpagawa ng sariling bahay para sa kanilang pamilya.



After 15 yrs…

RR, HIWALAY NA RIN DAW KAY JJ, TAMEME  



MATAGAL na ang isyu kay RR Enriquez na hiwalay na umano sa longtime partner na basketball player na si Jayjay Helterbrand.


Ayaw mamatay ang isyu kahit nagbitaw na ng salita ang former TV personality-turned businesswoman. 


Nag-react na siya sa breakup umano nila ni Jayjay na 15 taon niyang nakarelasyon. Ang mga komento kasi ng mga netizens ay nagpapahiwatig na ang dalawa ay naghiwalay umano noon pang Mayo 13.


Nagulat sa public’s attention, nag-post si RR sa kanyang socmed account, “Nakakabaliw lang na may mga taong sobrang INVESTED na malaman ang score between me and JJ. Pati ChatGPT, tinanong n’yo na. Hindi naman kami si KathNiel, JaDine, LizQuen or AlDub but thank you for making me feel na parang ganu’n na nga ang love team namin.”


Hindi man niya kinumpirma o itinanggi ang breakup, umapela ang former TV host-dancer sa publiko na itigil na ang pangha-harass sa kanya sa comment section, lalo na sa tuwing magpo-post siya ng mga larawan kasama ang ibang tao.


“Please stop harassing me sa comment section, lalo na kung nagpo-post ako sa account ko. Totoo man o hindi, sa tingin ko, mas maganda kung titigil ka na sa pagkukumpara sa isang tao. I’m not pertaining to my relationship but to everyone—artista, influencer, o kahit sino pa. Bakit kailangan pang ikumpara ang bago sa dati?” sambit niya.


Wika pa nito, “I’m sure everyone has different characteristics. ‘Yung iba, better sa pagluluto, ‘yung iba, better sa bed, CHAR (joke). Hindi ito competition, so please stop comparing. Thank you!”


Hahaha! Nakikisabay pa talaga sa hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson. 

Okey, balik tayo sa flood control issue.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page