Tameme sa hiwalayan ng KathNiel pero... KARLA, TODO-HUGOT SA POST SA SOCMED

ni Ambet Nabus @Let's See | November 24, 2023

Ay, bongga rin si Karla Estrada sa mga cryptic posts niya sa kanyang social media account.
Wala nga itong kinalaman sa kanyang birthday celebration dahil tungkol ang mga ito sa pagiging 'courageous, pagtanggap ng pagkakasala, pagpukol ng bato ng walang sala,’ at iba pang galing sa Bibliya at mga inspirational quotes.
Halimbawa nga rito, "Be strong and courageous, do not be afraid, do not be discouraged for the Lord your God will be with you wherever you go."
Nandiyan din ang "Your past mistakes are meant to guide you, not define you," at ang pamosong linyahan na, "He who is without sin among you, let him be the first to throw stone."
Siyempre, nag-four-plus-four ang lahat na may kaugnayan nga ito sa nangyayaring gulo sa kanyang anak at kay Kathryn Bernardo.
Sort of saying na marahil ay ‘yun ang kanyang pamamaraan para i-address ang usapin unless lahat tayo ay magtatanga-tangahan na kunwari ay walang nagaganap.
Makikita at mababasa sa kanyang socmed account na karlaestrada1121 ang mga nasabing posts.





Comments