top of page

Tameme raw sa isyu kina Du30 at VP Sara… MATTEO, PUMALAG SA FLOOD CONTROL, SINOPLA NG MGA NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 7, 2025



Matteo Guidicelli - IG

Photo: Matteo Guidicelli - IG



Hindi makalimutan ng mga netizens na sinuportahan ni Matteo Guidicelli si former President Rodrigo Duterte kaya nang mag-tweet siya ng “Real change begins with transparency, accountability, and integrity,” ipinaalala sa kanya na sinuportahan niya si Duterte.


May nag-post ng photos niya kasama ang dating pangulo na para bang malaking kasalanan ang ginawa ni Matteo nang makunan ng larawan na kasama at kausap niya si Duterte. 


May mga nag-comment pa na hindi nagsalita ang aktor nang ayaw ipakita ni Duterte ang kanyang SALN at hindi rin daw siya nagsalita sa isyu ng impeachment kay Vice-President Sara Duterte.


Nag-comment lang naman si Matteo patungkol sa flood control issue, pero ibinalik ang pagiging supporter niya ni Duterte. Para bang walang karapatan ang isang Duterte supporter na magsalita at magreklamo sa nangyayari sa bansa ngayon.


Hindi na lang sinagot ni Matteo ang mga comments at reactions sa kanyang tweet.

Naisip siguro nito na wala rin namang mangyayari at lalo lang siyang maba-bash.

And speaking of Matteo at Sarah Geronimo, ang ganda ng plano nila sa itinayo nilang G Music.


Open ang record label nila na matulungang magkaroon ng break at career ang mga bago at batang singers, composers at producers. Gusto rin nilang isulong ang local music sa global market.


Ang unang release ng G Music label ay ang collab ni Sarah at ng SB19 na Umaaligid

Ang G Productions ang producer ng song at concept pala ito ni Sarah. 


Sa interview ng Billboard Philippines sa dalawa, nabanggit na si Sarah Geronimo ang President and Creative Director ng G Music at si Matteo Guidicelli ang Chief Executive Officer o CEO.


Best Supporting Actor sa ibang award-giving bodies… RURU, KA-LEVEL NI DENNIS, BEST ACTOR NOMINEE SA GAWAD URIAN



INI-REPOST ni Ruru Madrid sa X (dating Twitter) ang post ng GMA Pictures na nominated siyang Best Actor sa 48th Gawad Urian para sa pelikulang Green Bones (GB)


In fact, pareho silang nominated ni Dennis Trillo in the same category and the same film. Meaning, ka-level ng husay ni Dennis ang ipinakita niya sa nabanggit na pelikula para ma-nominate siyang Best Actor.


Wala pang comment si Ruru sa kanyang Best Actor nomination sa Urian. Sa Best Supporting Actor siya nanalo para sa nasabing pelikula sa ibang award-giving bodies, pero marami ang nagsabi at naniwala na dapat ay sa Best Actor siya nominado. 


Nangyari na nga, at kahit siguro hindi siya manalo, sobrang tuwa na ni Ruru.

Nasa ibang bansa pa yata ang aktor para sa show nila nina Kyline Alcantara at Ai Ai delas Alas. Kapag na-interview, bukod sa pasasalamat, parang alam na namin ang sasabihin nito na gagawin pa ang best niya para mas gumaling pa sa kanyang craft.



NANGANGAMOY-BIG hit ang movie nina Bela Padilla at JC Santos with Kyle Echarri na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) dahil sold-out ang advanced screening ng Viva Films movie. 


In fact, dapat one-day screening lang ‘yun, pero dahil sa big demand, naging 2 days ang advanced screening at may mga request pang i-extend. 


Maganda ang ginawa ng Viva na back-to-back ang screening ng 100 Tula Para Kay Stella (100TPKS) at 100APKS para ma-refresh ang mga moviegoers sa pinagmulan ng movie ni Director Jason Paul Laxamana, lalo na’t eight years ago pa ang unang Bela at JC movie.


Sabi ni Bela bilang si Stella, “There’s so much I want to say, but it will never be enough. So, I’ll just say thank you.”


Dahil sa demand ng moviegoers sa movie nina Bela at JC, parang hindi aabutin ng walong taon ang Book 3 nito. May naisip na ngang title si Bela at nabanggit na willing at open siya to co-write the story at pati na siguro ang script, basta may go signal ni Direk Jason.


Malapit na ang showing ng 100APKS in cinemas nationwide. Hindi lang ang movie ang magugustuhan, pati na ang OST (official soundtrack) kung saan may two songs si Kyle Echarri.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page