top of page
Search

by Info @Sports News | January 17, 2026



Alex Eala at Carlos Yulo - FB

Photo: File / Alex Eala at Carlos Yulo - FB



Nakatakdang parangalan sina tennis sensation Alex Eala Olympic gold medalist gymnast Carlos Yulo bilang Philippine Sportswriters Association (PSA)’s Male and Female Athletes of the Year sa PSA Annual Awards Night sa Pebrero 16.


Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 22 taon na isang lalaki at isang babaeng atleta ang tatanggap ng naturang parangal, mula nang magbahagi ng karangalan sina People’s Champ Manny Pacquiao at golfer Jennifer Rosales noong 2004.


Tumatak si Alex sa taong 2025 dahil sa kanyang mga achievements kabilang na ang makasaysayang pagsabak sa Miami Open at pagkamit sa unang WTA 125 title sa Guadalajara Open.


Pinatunayan naman ni Yulo ang pamamayagpag niya sa international events gaya ng Asian Artistic Gymnastics Championships at FIG Artistic Gymnastics World Championships.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 23, 2024




Nagpahayag ang Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang presyo ng 21 na produktong pang-agrikultura sa Pebrero.


Pinakatumaas ang presyo ng kamatis nitong buwan, mula P50 kada kilo nu'ng Enero hanggang P90 ngayong buwan.


Ilan sa iba pang produktong pang-agrikultura na tumaas ang presyo ay ang calamansi (mula P60 hanggang P90), talong (mula P40 hanggang P60), at ampalaya (mula P50 hanggang P60 hanggang P80).


Sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura dahil sa kakulangan ng suplay na dulot ng mababang bilang ng tanim ng mga magsasaka resulta ng bumulusok na presyo sa mga nakaraang buwan.


 
 
  • BULGAR
  • Jan 9, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 9, 2023




Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nu'ng buwan ng Nobyembre 2023, ayon sa lumabas na resulta ng sarbey sa Labor Force ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Nagpahayag ang PSA chief at Natiouatistician na si Claire Dennis Mapa na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa 'Pinas na may edad 15 pataas sa 1.83-milyon galing sa 2.09-milyon nu'ng Oktubre 2023.


Ang unemployment rate ay nanatili sa 3.6% bilang ang kabuuang 54.47-milyong Pinoy ay aktibong naghahanap ng trabaho.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page