Tambalan nina Mommy Caring at Stayinthemoment, abangan
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 17, 2022
Magkakampihan sina Stayinthemoment at Mommy Caring para masikwat ang panalo sa magaganap na Condition Race Merge na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Paniguradong mapapalaban ang magka-kuwadrang Stayinthemoment at Mommy Caring laban sa anim na kalahok sa karerang may distansiyang 1,500 meter race.
Posibleng magbigay ng magandang laban kina Stayinthemoment at Mommy Caring, sina In The Zone at O Sole Mio sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B Guce si Mommy Caring habang si Jomel Estorque ang sasakay kay Stayinthemoment.
Bukod kina In The Zone at O Sole Mio, ang ibang makakatagisan ng bilis nina Stayinthemoment at Mommy Caring ay sina Critical Moments, Cam From Behind, My Jopay at Sari Baby.
Aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ang anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pang-limang karera.
Posibleng magdomina sa bentahan sina Rodrigo at Rhaegal sa distansiyang 1,400 meter race kung saan nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Ang ibang kasali ay sina Miss Marshall, Brilliant Move, Don't Say Bad Words at Cool Mom, hahamigin naman ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000.
Samantala, 10 karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya tiyak na masaya na naman sa pananaya ang mga karerista.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Heritage (3), Maximum Speed (9), Good Reason (1)
Race 2- Red Sole (5), Meghan Maxene (9), Aliassime (4) Race 3 - Achi Holly (3), Double Rock (2) Race 4 - Shelltex Gold (2), Our Secret (11), Sagitsit (8)
Race 5 - Rodrigo (2), Cool Mom (6)
Race 6 - Stayinthemoment/Mommy Caring (1/1A), In The Zone (6), My Jopay (4)
Race 7 - Magnolia Yana (1), El Mundo (7), Rockaway (8)
Race 8 - Spoiled Brat (6), Space Jam (3), Run Em Down (1)
Race 9 - Ambisioso (5), Krugerrand (2), Speed Fantasy (7)
Race 10 - Alonzo Hall (1), Joyful Princess (4), Fortune Island/High Honours (2/2A)





Comments