top of page

Tamang paggamit ng lucky color at pagpapaganda, kailangan ng 34-anyos na ayaw tumandang dalaga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 19, 2021



Dear Maestro,

Sa December 16, 34-anyos na ako. Gusto kong malaman, Maestro, kung ako ba ay makapag-aasawa kahit wala naman akong nobyo o boyfriend ngayon? Kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa, kailan ito mangyayari at magaganap? December 16, 1987 ang birthday ko.


Umaasa,

Ms. Sagittarius ng San Isidro, Cabanatuan City


Dear Ms. Sagittarius,

Ayon sa birth date mong 16 o 7 (1+6=7), sa weak o mahinang numerong umiimpluwensiya sa iyong kapalaran kaya naman medyo natatagalan bago ka magka-boyfriend at tuluyang makapag-asawa.


Sa halip na ang weak number na 16 o 7 ang mamayani, dapat ay higit na mamayani ang zodiac sign mong Sagittarius, para medyo matapang o “strong” ang iyong dating. Actually, hindi naman totoong strong ang ibig sabihin kundi ang eksaktong salita ay maging assertive ka at magkaroon ng tiwala sa iyong sariling kagandahan. Ibig sabihin, dapat palagi kang magsuot ng kulay na pula. Bukod sa pula, puwede rin ang kulay na dilaw at itim, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Lunes, Sabado at Linggo.


Dagdag pa rito, dapat ka ring magpahaba ng buhok at palaging magpapaganda o magsuot ng make up, magpa-sexy at magpabango nang sa gayun ay lumutang nang husto ang pagiging Sagittarius mo.


Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, tulad ng paggamit ng tamang kulay at pagpapalutang ng zodiac sign mong Sagittarius sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2022, magkaka-boyfriend ka na, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries at ang iyong love life ay habambuhay nang magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page