top of page
Search
  • BULGAR

Tamang araw at petsa ng paggamit ng lucky color para magka-dyowa

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 20, 2022

Dear Maestro,


Sa aming magbabarkada, ako na lang ang hindi pa nagkaka-boyfriend sa edad kong 23. Nais kong malaman kung may tsansa pa ba akong magka-boyfriend kahit wala naman akong seryosong manliligaw ngayon? Gayunman, may ilang nagpaparamdam, pero hindi naman nila itinutuloy ang kanilang panliligaw.


Maestro, sana ay mabasa n’yo sa birthday ko na kung magkaka-boyfriend ako, kailan ito mangyayari at magiging masaya ba ang bubuuin naming relasyon?


December 7, 1998 ang birthday ko.


Umaasa,

Ynna ng Muzon, SJDM, Bulacan


Dear Ynna,


Ang birthday mong December 7, 1998 ay nagsasabing ikaw ay nagtataglay ng birth date na 7, sa destiny number na 1 (12+7+1998=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1) at zodiac sign na Sagittarius.


Masasabing kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend ngayon ay dahil ang umiiral sa iyong kapalaran ay ang weak number mong 7, sa halip na ang iyong strong destiny number na 1 at ang strong ding zodiac sign na Sagittarius.

Upang magka-boyfriend ka, dapat panaigin mo ang iyong strong destiny number 1, gayundin ang strong zodiac sign mong Sagittarius, imbes na ang weak number 7.


Madali lang ‘yan, simula sa araw na ito, palagi kang magsuot ng suwerteng kulay para sa mga Taong Uno (1) o may destiny number na 1 tulad mo, at ito ay ang kulay na dilaw o yellow. Habang isuot mo rin ang kulay na laan para sa mga may zodiac sign na Sagittarius, ito naman ang red o pula.


Ganito ang tamang paggamit, tuwing sasapit ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 8, 17, at 26, isuot mo ang kulay na dilaw, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Linggo, Lunes at Sabado.


Habang tuwing sasapit naman ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, isuot mo ang kulay na pula, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes. Kapag ang petsa naman ay 5, 14 at 23, ito ang petsa na malaya kang gumamit ng kulay na magugustuhan mong gamitin.


Kapag nasunod mo ang simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 24 bago sumapit ang edad mong 25 dahil magkaka-boyfriend ka na, hatid ng lalaking isinilang sa buwan ng Mayo.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page