top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tamad at palpak sa gobyerno, out!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2023
1 min read

@Editorial | July 2, 2023


Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ay aminadong marami pa ang dapat gawin, kasunod ng isang taong anibersaryo ng kanyang panunungkulan.


Binanggit din ng Punong Ehekutibo na hindi niya nakakalimutan ang mga binitawang pangako noong kasagsagan ng kampanya.


Isa nga sa mga pangako na talagang inaabangan ay ang P20 na kilo ng bigas. Huwag naman sanang mapanis ang pramis na ‘to na masasabing isa sa mga dahilan kung bakit siya nanalo.


Kahit na sabihin ng administrasyon na marami pang dapat gawin lalo na sa sektor ng agrikultura, sana sa loob ng isang taon ay marami nang nagawa. Tila mas marami pang kontrobersiya at anomalya na nangyari.


At bukod sa Pangulo, marami rin ang sang-ayon sa ‘incomplete’ na grado na ibinigay sa kanya ng isang ekonomista kaugnay sa kanyang pamamahala sa Department of Agriculture (DA).


Matagal nang ipinapayo na pumili na ng kalihim na tututok sa Agri pero ilang taas-presyo na ang nangyari, at namamayagpag pa rin ang mga sindikato, ayaw pa ring bitawan ng Pangulo ang posisyon, bakit kaya?


Kung hindi man niya maiwan ang DA, sana man lang ay magkaroon siya ng mga opisyal at empleyado na karapat-dapat. ‘Yung nauunawaan ang sitwasyon sa agrikultura, may sapat na kakayahan para masolb ang mga problema at higit sa lahat, may konsensya at tapang para sagasaan ang mga sindikato at protektor ng mga smuggler. Palitan na ang mga tamad, palpak at korup.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page