top of page

Tallo, iniangat ang Manila sa Finals ng 2-PT Shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 25, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 25, 2023


ree

Ipinasok ni Mark Jayven Tallo ng Manila Chooks ang lima sa 10 bola upang makapasok sa finals ng Two-Point Shootout ng 2023 FIBA3x3 World Tour Cebu Masters Sabado ng hapon sa SM Seaside City. Sinamahan niya ang tatlong iba pang matatalas na shooter sa finals kagabi para sa gantimpalang $500 (P28,076).


Nanguna sa mga finalist si Steve Sir ng Ulaanbaatar MMC Energy na may walong bola. Si Sir ang may hawak ng marka na 17 puntos sa kasaysayan ng patimpalak at bibigyan ng karagdagang $5,000 (P280,760) ang makakahigit dito.


Sumunod sa kanya si Matthias Linorter ng Vienna na may anim na bola. Magkatabla sa lima sina Tallo (26.4), Li Haonan ng Wuxi (26.1”), Dejan Majstorovic ng Ub (28.4”) at Terence Tumalip ng Lubao MCFASolver (29.4”) subalit nanaig sina Tallo at Li sa bisa ng mas mabilis na segundo para maipasok ang huling bola.


Bago ang Shootout, nagtala ng dalawang panalo sina Tumalip at ang Lubao MCFASolver sa Qualifying Round laban sa Taichung Hong Jia ng Chinese-Taipei, 19-10, at Auckland ng New Zealand, 17-11. Napunta sa Lubao ang huling upuan sa Grupo D kasama ang Miami ng Estados Unidos at Ulaanbaatar.


Pagsapit ng aksiyon sa group stage ay naubusan ng lakas sa huli ang Manila Chooks at tumiklop sa Vienna, 20-14. Hindi rin pinalad ang Lubao at natunaw sa Miami, 22-15.


Kailangan magwagi ng Manila at Lubao sa kanilang mga huling laro kontra Futian at Ulaanbaatar upang makasingit sa knockout quarterfinals Maliban sa finals ng Shootout, aabangan din ang Slam Dunk Contest. Ang kampeon ay mag-uuwi ng $4,000 (P224,608).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page