top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Taliban governor at 2 sibilyan, patay sa suicide attack

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 11, 2023




AFGHANISTAN — Patay sa suicide attack ang isang gobernador, kabilang ang 2 pang sibilyan sa probinsya ng Balkh noong Huwebes.


Nakilala ang gobernador na si Mohammad Dawood Muzammil, na nangunguna sa paglaban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).


Ayon sa mga awtoridad, bandang alas-9:00 ng umaga nang sumabog ang ikalawang palapag ng opisina ng gobernador, na agad niyang ikinamatay kabilang ang 2 pang sibilyan.


Samantala, iniimbestigahan pa ng pulisya ang nasabing insidente at maglalahad na lamang umano ng detalye kapag ito’y klaro na.


Minarkahan ang insidente bilang isa sa mga senior officials na nakumpirmang patay mula nang sakupin ng Taliban ang bansa noong 2021.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page