Talented daw, Inglesera lang… ANAK NI INA, ITINUTULAK KAY ALDEN
- BULGAR

- Sep 6, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 6, 2020

Pinasok na rin ng eldest daughter ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak ang showbiz. Naka-post sa Instagram account ng Cornerstone Entertainment last Friday ang official announcement at pag-welcome kay Erika as their newest artist.
Anak ni Ina si Erika sa Canadian businessman na si Brian Poturnak. Pero ang gagamiting screen name ng dalaga is simply Erika Rae.
"A new face is coming your way. She is ready to conquer greater heights and we are all excited to see her flourish. Cornerstone Entertainment welcomes @erikarae.p! Your CS family is so happy for you," ang nakalagay na caption sa piktyur ni Erika na naka-post sa IG ng Cornerstone.
Inulan naman ng iba't ibang reaksiyon ng mga netizens ang pag-join ni Erika sa showbiz. Una, pinuna agad nila ang pagiging inglesera ni Erika.
"Isa na namang 'di marunong mag-Tagalog at anak ng artista ang papasok sa showbiz," comment ng netizen.
Pero may nagdepensa naman agad kay Erika sa usaping 'di siya marunong mag-Tagalog.
"Magaling siyang mag-Tagalog. Sanay lang sa English as everyday language."
"Marunong mag-Tagalog 'yung bagets. Sa International School nga lang nag-aral kaya 'di laging nagagamit ang Tagalog. Saka 'teh, in fairness, talented naman 'yung bata."
Ang tsika pa, maganda ang boses ni Erika, pang-Disney Princess theme song daw. Hindi naman kataka-taka kasi maganda rin ang boses ni Ina.
Natuwa naman ang ibang netizens sa nag-post ng comment na dapat daw, ang screen name ni Erika ay Anak Raymundo or Anak ni Ina, 'di ba?
Samantala, may nag-suggest agad kung sino ang bagay na leading man for Erika.
"Bagay sila ni Alden (Richards). Sana, magka-movie sila, ang title, Sabado Nights."
Puwede, lalo pa't napakaseksi rin ni Erika. Hindi lang ang magandang boses ang namana niya sa kanyang ina kundi pati ang mayamang dibdib, balakang at maumbok na puwet.
In fact, sa latest IG posts ni Erika ay muli na namang nag-init ang mga netizens.
Tatlong magkakaibang litrato niya ang ipinost ni Ina wearing a two-piece na mala-G-string black bikini.
Kung 'yung last picture niya na nakasuot siya ng kulay blue-green two-piece bikini ay nakaharap siya, this time, naka-side view siya with matching moving butterfly app.
Dahil naka-side view siya, kitang-kita na halos ang kabuuan ng kanyang left boobs at buong butt. Konting tela na lang talaga ng bikini underwear niya ang tumatakip sa kanyang harapan at likod.
But that's the way it is now. Mas palaban na ang mga kabataan ngayon kesa noon especially sa pagpo-post ng kanilang katawan sa social media.





Comments