Talent fee ni John Lloyd, kaya ‘di na ma-afford… DATUNG NG GMA-7, NAUBOS SA LAKI NG TF NI BEA
- BULGAR
- Sep 17, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 17, 2021

May reaksiyon at haka-haka ang ilang netizens sa kumalat na hindi na raw matutuloy ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz dahil hindi kinaya ng GMA-7 ang mataas na talent fee nito.
Hirit ng ilan, dahil kaya sa napakalaking talent fee ni Bea Alonzo kaya naubos na raw ang budget dito ng network at hindi na na-afford si Lloydie?
Naku, ha? Kung saka-sakali mang mag-demand ng mataas na talent fee si JLC ay deserve nito dahil big star siya ng Kapamilya Network at tiyak na hindi naman malulugi ang GMA-7 sa klase ng performance na ibibigay niya sa kanyang mga gagawing proyekto.





Comments