top of page

Talbog! HEART, UMINOM NG WINE GAMIT ANG GOLD STRAW

  • BULGAR
  • Oct 7, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 07, 2021



Hindi naman pala puro Louis Vuitton lang ang suot ni Heart Evangelista sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon dahil may eksenang Dolce Gabana naman ang suot niya.


Mula sa damit at sapatos, D&G ang suot ni Heart at ang mga ganitong OOTD ang inaabangan ng mga fans ng Kapuso actress sa pinagbibidahang rom-com series sa GMA-7.

Curious lang ang mga supporters ni Heart kung ‘yung gamit niyang straw habang may iniinom sa isang bote na mukhang wine ay totoong gold, gold plated o kulay gold lang?


Comment tuloy ng mga netizens, pati straw na gamit ni Heart, hindi nila afford at comment pa ng isa, pati pala wine, ginagamitan ng straw.


Gustong malaman ng mga fans kung may appearance rin sa I Left My Heart in Sorsogon ang gold straw ni Heart.


Pinansin din ng mga netizens ang logo ng Louis Vuitton sa balikat ni Heart na strap yata ng kanyang bag.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page