top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Talamak na pasugalan, dahilan kaya muling tumaas ang COVID-19 cases

BULGAR
Jul 30, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 30, 2021


MULA NANG BIGYANG-BENDISYON NI P-DUTERTE ANG MGA GAMBLING LORDS NA MAG-OPERATE NG STL-CON JUETENG, MULING DUMAMI ANG COVID-19 CASES—Dahil sa muling pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila ay inirekomenda ng University of the Philippines (UP)-OCTA Research Group sa gobyerno na muling magpairal ng MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) sa Maynila.


Mula nang ianunsiyo ni P-Duterte na binigyan na niya ng permiso ang mga gambling lords na mag-operate ng kanilang pasugalan para makalikom ng tax ang pamahalaan, muling dumami ang COVID-19 cases sapagkat nagbahay-bahay ang mga kubrador para magpataya ng Small-Town Lottery o STL-con jueteng sa mga residente ng Maynila, Taguig City, Muntinlupa City, Paranaque City, Makati City, Las Pinas City at Pasay City.

‘Ika nga, isa lang sa mga kubrador o mananaya ang may COVID-19, tiyak na magkakahawa-hawa na ‘yan, boom!


◘◘◘


BAKIT PINAYAGAN NG PITONG ALKALDE SA METRO MANILA NA MAGKA-STL-CON JUETENG SA KANILANG NASASAKUPAN?—Maraming nagtataka kung bakit kung kailan may kinahaharap na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay pinayagan nina Manila Mayor Isko Moreno, Taguig Mayor Lino Cayetano, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, Parañaque Mayor Edwin Olivarez, Makati Mayor Abby Binay, Las Piñas Mayor Imelda Aguilar at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na mag-operate ang STL-con jueteng sa kanilang nasasakupan.


Kung anuman ang dahilan ng pitong alkalde sa pagpayag na raketin ng mga gambling lords ang kanilang mga kababayan, sila na lang ang nakakaalam, mga buwisit!


◘◘◘


GUTOM NA NAMAN ANG AABUTIN KAPAG MULING NAGKA-SEMI LOCKDOWN—Kapag nag-MECQ na naman sa Metro Manila ay asahan nang gutom na naman aabutin ng mahihirap nating kababayan.


Ilang beses na kasing sinabi ng Duterte gov’t. na wala silang pang-ayuda sa mamamayan, at dahil walang ayuda, siyempre, gutom ang aabutin ng mahihirap nating kababayan, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page