top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Takot na takot magka-wrinkles… RHIAN, LAGING GALIT SA SERYE, NAGPA-BOTOX AGAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 19, 2025



  • Rhian Ramos - IG

Photo: Rhian Ramos - IG


Pagpapa-botox ang unang ginawa ni Rhian Ramos pagkatapos na pagkatapos ng taping nila ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS).


Sey ng aktres sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sobrang intense ng kanyang mga eksena sa nasabing fantaserye, kung saan ay ginagampanan niya ang role ng kontrabidang si Mitena, kaya nagawa niya ang magpa-botox.


Bale ba ay two years in the making ang serye kaya naman talaga raw napagod siya.

“It was pretty intense every day. First thing na ginawa ko nu’ng natapos ‘yun, nagpa-botox ako agad,” sambit ni Rhian sabay-tawa.


“Sabi ko, masyado akong nagalit. Gusto ko, hindi ako gumagalaw. Ayoko nang magalit,” natatawa pa rin niyang dagdag.


Last Monday nagsimulang umere ang Sang’gre sa GMA Prime, pero natapos na nila itong gawin noong nakaraang buwan pa.


Ani Rhian, “Para sa akin, actually, parang for the next two months, parang gusto ko na lang magpa-spa, magpaganda, magpa-relax, magpamasahe, magpaayos ng mga kung anu-ano, gusto ko ng magandang skin.


“Kasi I felt like... kasi we shot Enca for 2 years, eh. That’s a long time to be angry everyday.”

Dahil nga kontrabida siya ay lagi raw siyang galit sa kanyang mga eksena.


“It takes a toll. And s’yempre, dahil mahal namin ‘yung mga characters namin, na trabaho namin, we were game to do it. Pero nakaka-wrinkles s’ya, nakaka-stress s’ya, ‘di s’ya nakaka-fresh,” natatawa niyang sey.



NAKAKAINTRIGANG mga karakter ang bibigyang-buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa pagbibidahan nilang romance-suspense seryeng The Alibi (TA) ng ABS-CBN na malapit nang mapanood.


Inanunsiyo ito ng ABS-CBN kahapon (Hunyo 18) sa mala-police report na mga larawan na may mga danak ng dugo tampok din ang new look nina Kim at Paulo. 

Makikita si Kim na may maikling buhok, makapal na lipstick, at nakasuot ng sexy na damit, habang ‘bad boy look’ naman ang awra ni Paulo.


Kasama sa mga bumubuo ng TA ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment, ang parehong grupo sa likod ng patok na serye ng KimPau (Kim at Paulo) na Linlang.


Ang TA ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK). 


Bumida rin sila sa box office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).



EXTENDED ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan dahil available na sa Amerika ang mga kasalukuyang umeereng Kapamilya shows sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) kung saan mae-enjoy ang special offering na ito simula kahapon (Hunyo 18) hanggang Hulyo 4.


Available na ang pinakabagong episodes ng mga Kapamilya teleserye, kung saan masusubaybayan na ang maaksiyong pagsabak ni Tanggol sa pulitika sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ), ang mas tumitinding mga misyon ng mga ‘Kontrak’ sa Incognito, ang inaabangang pagtatapos ng Saving Grace: The Untold Story (SGTUS), atbp..


Bukod sa mga primetime shows, matututukan din ng mga taga-Amerika ang patok na programa na It’s Showtime (IS), pati na rin ang pagbabalik-primetime ni Gerald Anderson sa crime-thriller seryeng Sins of the Father (SOTF) kapag umere na ito sa Pilipinas simula sa Lunes (Hunyo 23).


Available ang lahat ng programang ito at ang iba pang palabas ng Kapamilya Online Live nang on-demand at mababalik-balikan ang episodes sa loob ng 48 oras matapos umere sa Pilipinas.


Patuloy ang paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel bilang parte ng layunin ng kumpanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.


Huwag palampasin ang espesyal na handog na ito na available hanggang Hulyo 4 ng 11:59 PM (EDT) at panoorin na ang mga paboritong Kapamilya shows na IS, BQ, Incognito, SGTUS, SOTF at iba pa sa ABS-CBN Entertainment YT.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page