Takbong inulan ang NLEX Road Warriors, Nakuryente
ni Clyde Mariano @Sports | July 13, 2023

Sumandal ang Meralco Bolts sa mainit na opensiba sa second half at kinuryente ang mabagal tumakbong Road Warriors sa kahabaan ng NLEX, 96-83, at kinuha ang pangatlong puwesto at 6-3 humiwalay sa Blackwater Bossing sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig City kagabi.
Naglaho ang kanilang siyam na lamang, 36-27, at naghabol sa 55-56, rumesbak ang Bolts sa pinagsanib-puwersa nina Jansen Rios, Kyle Nicholas Pascual at Franky Johnson at muling nabawi ang lamang 71-62 ending sa third period.
Nakakuha ng tiyempong laro napanatili ng Bolts ang double digit na lamang 85-75 at tuluyang kinontrol ang laro para iposte ang impresibong panalo at panatilihin ang dominance sa Road Warriors.
Umiskor si Alvin Pasaol 25 ng points at limang rebounds, Raymond Almazan 12, Alein Maliksi at Dario sa tig-11 points, Johnson 10 points at six boards sa panalo ng Bolts.
Nabalewala ang 17 points at anim na rebounds ni Don Trollano, 15 points ni J. Nieto, 13 points at 10 rebounds ni Sean Anthony at 10 points ni Kevin Alas. Pinatikman ng boltahe ng Bolts ang Road Warriors sa 48 minutes shooting contest at iposte ang pangalawang sunod na panalo matapos talunin ang wala pang panalong sister team Talk ‘N Text at ipalasap sa NLEX ang pang-limang kabiguan sa walong laro para pigiling kunin ang pangalawang sunod na panalo nang talunin ang North Port noong July 5.
Naglaro si coach Norman Black pero hindi nakaiskor, subalit ang kanyang presensiya sa bench ang nagbigay ng morale support at nagpalakas ng fighting spirit sa kanyang players sa oras ng pagbabanta ng NLEX. Tumapos ang 64-year old American mentor na tubong Baltimore, Maryland ng 4 rebound.
Maagang umarangkada ang Bolts, lumamang ng 9 points, 36-27 sa shot ni dating Phoenix Jansen Rios. Subalit nagsanib puwersa sina dating Magnolia Robert Herndon at Kevin Alas kaya lumapit ang NLEX, 35-38.





Comments