top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tagilid sa EJK si P-Digong

BULGAR
Jun 27, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 27, 2022


P-DIGONG, TAGILID SA EJK—Ayon kay incoming National Security Adviser (NSA) Sec. Clarita Carlos, papayagan ng Marcos gov't. na makapasok sa Pilipinas ang mga International Criminal Court (ICC) prosecutors para makapag-imbestiga na sa EJK na iniuugnay sa gobyernong Duterte.


Sa panahon kasi ng Duterte administration ay hindi maumpisahan ng ICC ang paglilitis sa kasong crimes against humanity laban kay P-Duterte dahil pinagbawalan ng Duterte gov't. ang mga ICC prosecutors na pumasok sa Pilipinas para mag-imbestiga sa EJK na naganap sa bansa.


Kung sakaling makakalap ng mga ebidensya na gobyerno ni P-Duterte ang nasa likod ng EJK sa bansa at guilty ang maging hatol dito, nakikini-kinita na nating no choice ang Marcos gov't. kundi bitbitin ang ex-president at dalhin ito sa The Netherlands para ikulong sa ICC jail, boom!


◘◘◘



HOBBY NI LORRAINE BADOY NA MANG-RED-TAGGED, IPAPA-STOP NG MARCOS GOV'T.—Limang araw na lang ay matitigil na ang hobby ni National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy na mang-red-tagged ng mga taong pumupuna sa mga maling polisiya ng gobyerno.


Ayon kay NSA Sec. Clarita Carlos, walang puwang sa administrasyon ni Pres-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos (P-BBM) ang mang-red-tag, period!


◘◘◘



MILYUN-MILYON ANG NAGUTOM SA DUTERTE GOV'T., TAPOS ANG MGA DDS BLOGGERS AY FAKE NEWS NANG FAKE NEWS, NA GUMANDA RAW ANG BUHAY NG MGA PINOY SA DUTERTE ADMINISTRATION--Sa survey ng SWS noong June 7, 2022 ay higit 3 milyong pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng gutom dahil sa sobrang kahirapan, na ayon sa mga sinurbey ay kadalasan isang beses lang silang nakakain sa isang araw.


Patunay 'yan na milyun-milyong Pinoy ang nakaranas ng hirap at gutom sa Duterte administration, tapos 'yung mga DDS bloggers, fake news nang fake news sa social media na naging mabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyong Duterte, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page