top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tagapaglingkod ang next president at VP, hindi feeling hari, reyna o amo

BULGAR
Sep 17, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 17, 2021


KANDIDATO SA PAGKA-PANGULO AT VP NA FEELING HARI, REYNA AT AMO, IBASURA—Ayon sa aktor na si John Arcilla, ang dapat nakaupo sa poder ay tagapaglingkod ng bayan at ng mamamayan at hindi naghaharian o feeling amo.


May punto si Arcilla, kaya’t sa halalan 2022, ang dapat iboto ng mamamayan sa pagka-pangulo at pagka-VP ay ‘yung totoong may malasakit at handang maglingkod, at ibasura ‘yung mga feeling hari, reyna at amo, period!


◘◘◘


ANG MEETING NG IATF AY DAPAT TUNGKOL SA COVID-19, PERO ANG POKUS NG PANGULO, BANAT SA PAG-E-ENGLISH NI GORDON—Sa latest meeting ng IATF (Inter-Agency Task Force) Against COVID-19, binanatan na naman ni P-Duterte si Sen. Richard Gordon, na kesyo hindi maintindihan ang pag-i-English nito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee patungkol sa multi-billion peso scam na kinasasangkutan nina Yang Hong Ming, aka Michael Yang, former Usec. Christopher Lloyd Lao at Pharmally Inc. na pag-aari ng mga Chinese na wanted sa Taiwan.


Pambihira, meeting ito ng IATF laban sa COVID-19, tapos ang pokus ng pangulo ay hindi tungkol sa kung paano mapapababa ang COVID-19 cases sa Pilipinas, kundi sa pag-i-English ni Gordon, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DAPAT KINA MICHAEL YANG, USEC. LAO AT SA PHARMALLY MAGALIT ANG PANGULO, HINDI SA RED CROSS—Sa imbestigasyon sa Senado ay naglalabasan ang mga ebidensiyang may ginawa talagang kawalanghiyaan sa pera ng bayan sina Michael Yang, former Usec. Lao at Pharmally.


Kung talagang hate ni P-Duterte ang korupsiyon, dapat kina Michael Yang, Usec. Lao at sa Pharmally siya magalit kasi pera ng bayan ang sinindikato ng mga ito, at ang scam ay ginawa pa sa kasagsagan ng pandemya.


Ang masaklap, hindi kina Michael Yang, Usec. Lao at Pharmally nagagalit si P-Duterte, kundi sa Philippine Red Cross (PRC) kesyo ang donasyon ng gobyerno sa Red Cross ay kinukurakot umano ni Gordon, hays!


◘◘◘


KAPAG DINEDMA ANG ICC, ANO KAYA ANG NEXT MOVE NG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT, WARRANT OF ARREST VS. P-DUTERTE?—Inaprub na ng ICC (International Criminal Court) na imbestigahan ang kasong crimes against humanity laban kay P-Duterte.


At dahil ang sabi naman ng Malacañang ay hindi nila kinikilala ang ICC, ano kaya ang maging next move ng pandaigdigang korte? Warrant of arrest na kaya laban kay P-Duterte? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page