top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Tagabayad ng buwis, tablado — Castro... Walang ayuda sa middle class

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 17, 2026



Atty. Claire Castro - RTVM

Photo: Senate PH



Aminado ang Malacañang na walang sapat na pondo ang pamahalaan para makapagbigay ng direktang ayuda sa middle class sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.


Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, limitado ang budget ng gobyerno kaya inuuna munang tulungan ang mga mahihirap at mga sektor na pinakaapektado ng krisis sa Gitnang Silangan.


Ito ang tugon ng Palasyo nang matanong kung may nakalaang ayuda para sa middle class na patuloy na nagbabayad ng buwis.


Gayunman, sinabi ni Castro na nakikinabang din ang middle class sa mga hakbang ng pamahalaan, tulad ng subsidiya sa transportasyon upang hindi muna tumaas ang pasahe at libreng toll sa mga delivery truck para mapigilan ang pagmahal ng mga bilihin.


“So, may mga ibang proyekto na maaaring banggitin na ang mga middle income ang mabibigyan ng tulong, hindi man pinansiyal direkta pero sa ibang mga projects ng gobyerno ay sila din ay nabibiyayaan,” patuloy niya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page