top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Tag-ulan na naman, Mag-ingat, mga Ka-PhilHealth! Alamin anggamutan ng leptospirosis.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

by Info @Brand Zone | September 4, 2026



Alagang PhilHealth: Check-up at eyeglasses ng mga bata? Covered ng PhilHealth ‘yan!

Huwag balewalain ang mga sintomas. Alamin ang gamutan ng leptospirosis.


1. Ano ang Leptospirosis? 

Ito ay isang seryosong sakit na maaaring makuha sa pag lusong sa baha o paghawak sa tubig o putik na kontaminado ng ihi ng daga at ng iba pang hayop. 


2. Ano ang mga Karaniwang  Sintomas? 

• Lagnat 

• Sakit ng ulo 

• Matinding pananakit ng kalamnan  at katawan 

• Pagsusuka o pagtatae 

• Pamumula ng mata 

• Paninilaw ng balat o mata 

• Hirap sa paghinga 

• Kaunting pag-ihi o hindi pag-ihi 


3. Sagot ba ng PhilHealth ang  gamutan sa leptospirosis?  

Oo. Kapag nakaranas ng mga sintomas  lalo na pagkatapos malubog sa baha,  mahalagang magpa-check-up agad sa napiling YAKAP Clinic para maiwasan ang paglala ng sakit.


Sa YAKAP Clinic, maaaring ma avail ang check-up, laboratory at  doxycycline - ang gamot para sa early  treatment ng mild leptospirosis.  


Bagong Package Rate para sa Moderate to Severe Leptospirosis

• P63,000 - para sa Moderate to Severe Leptospirosis (walang karagdagang procedures) 

• P170,000—P411,000 - para sa karagdagang procedures tulad ng  hemodialysis, peritoneal dialysis, ventilatory support, at pulmonary rehabilitation. 


4. Paano Makakaiwas sa leptospirosis? 

• Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. 

• Magsuot ng bota at protective gear kung kinakailangang lumusong sa baha 

• Panatilihin malinis ang paligid upang maiwasan ang pagdami ng  daga. 

• Hugasan agad ang anumang sugat na na-expose sa baha o maruming tubig. 

• Magpatingin agad kapag may sintomas pagkatapos ma-expose  sa baha. 


5. Paano Mag-avail? 

• Pumunta sa napiling YAKAP clinic.

• Magpakonsulta


PAALALA: Dapat updated ang inyong MemberData Record (MDR) at kontribusyon para hassle-free ang pag-avail ng benepisyo.


PhilHealth  

Communication Channels 

Para sa tamang gabay sa paggamit ng inyong benepisyo,  makipag-ugnayan at tumawag sa: 

(02) 8662-2588 

0998-8572957 | 0968-8654670 

0917-1275987 | 0917-1109812 


www.philhealth.gov.ph actioncenter@philhealth.gov.ph PhilHealthOfficial teamphilHealth team_philhealth 



Para sa dagdag kaalaman  sa PhilHealth benefits,  huwag palampasin  ang susunod na Alagang PhilHealth! 


PAALALA 

Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth hotline, 8662-2588.  para sa ibang katanungan. 


Kung gusto ninyo kami ang  tumawag sa inyo, I-text ang  PHICallback <space> 

Mobile no. na tatawagan <space>  detalye ng concern sa  

0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. 


Pwede ring tumawag mula sa  aming website. Mag-log-in sa www.philhealth.gov.phat pindutin ang 'CLICK TO CALL'



Sawa ka na ba maghintay? Sa click to call may makakausap ka agad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page