top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI
Search

by Info @Brand Zone | July 15, 2026



Alagang PhilHealth: Paano mag-avail o gumamit  ng PhilHealth Benefits?


1.Ano-ano ang benepisyong  PhilHealth na pwedeng  magamit? 

•  YAKAP (Primary Care) 

DCheck-up 

DLaboratory 

DPhilHealth Gamot 

DOutpatient Cancer Screening Test

• Inpatient kapag na-confine o na-ospital

• Outpatient 

DOutpatient Emergency Care Benefit Package 

DOutpatient Procedures tulad ng hemodialysis, chemotherapy, o simple surgical procedures 

•  Z Benefits Package tulad ng: 

DKidney Transplantation – up to Php  2.1 Million 

DBreast Cancer – up to Php 1.4 Million 

DCoronary Artery Bypass Graft Surgery (CABG): 

» Standard Risk– Php 660,000 

» Expanded Risk – Php 960,000 

•  SDG-Related tulad ng: 

DOutpatient HIV-AIDS Package –  Php 58,500 per year 

DOutpatient Anti-Tuberculosis Treatment (DOTS) Package –  Php 7,800 

DAnimal Bite Treatment Package –  Php 5,850 


2.Paano mag-avail ng benepisyo  sa PhilHealth? 

•  Dapat rehistrado at may sariling  PhilHealth Identification Number (PIN) • Updated ang membership records •  Pumunta sa PhilHealth Accredited Hospitals, YAKAP Clinics at Contracted Facilities (Z Benefits Package) 

•  Paalala: Sa ilalim ng Universal Health Care Act, ang lahat ng Pilipino ay  maaaring makagamit kaagad ng mga  benepisyo. 


3.Magkano ang benepisyong  sasagutin ng PhilHealth? 

•  Para malaman ang nakatakdang halaga  ng Inpatient at Outpatient benefit,  i-download ang ACR (All Case Rate) Search App sa inyong Android devices, o bisitahin ang PhilHealth website – www.philhealth.gov.ph 

•  Gamitin ang Case Rate Search para  makita ang katumbas na halaga ng  benepisyo para sa sakit o operasyon. 

•  Para sa Z Benefits, bisitahin ang website – www.philhealth.gov.ph 


4.Makakagamit pa rin  ba ng benepisyo kahit  nahinto sa pagbabayad  ng kontribusyon?


•  Oo, pero hinihikayat pa rin  na ipagpatuloy ang pagbabayad ng  kontribusyon para sa katatagan ng National Health Insurance Fund.


5.Kung may mga katanungan  tungkol sa paggamit ng  benepisyo, kanino maaaring  makipag-ugnayan ang mga  miyembro? 

•  Maaaring lumapit ang mga miyembro  sa mga PCARES o PhilHealth Customer Assistance, Relations and Empowerment Staff na nakatalaga sa  mga ospital para gabayan at tulungan  ka sa paggamit ng mga benepisyo.  

•  Makipag-ugnayan sa pinakamalapit  na Local Health Insurance Office o  tumawag sa Action Center na bukas  24/7. 


Para sa dagdag kaalaman  sa PhilHealth benefits,  huwag palampasin  ang susunod na Alagang PhilHealth! 

PAALALA 

PAALALA 

Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth hotline, 8662-2588.  para sa ibang katanungan. 


Kung gusto ninyo kami ang  tumawag sa inyo, I-text ang  PHICallback <space> 

Mobile no. na tatawagan <space>  detalye ng concern sa  

0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. 


Pwede ring tumawag mula sa  aming website. Mag-log-in sa www.philhealth.gov.phat pindutin ang 'CLICK TO CALL'





Sawa ka na ba maghintay? Sa click to call may makakausap ka agad!

 
 

by Info @Brand Zone | May 29, 2026



Alagang PhilHealth: Gamot na abot ₱20K, sagot ng PhilHealth!


1. Ano-anong mga GAMOT ang libre sa  programang ito? 

Binubuo ito ng 75 na essential na mga gamot  para sa karaniwang kondisyon tulad ng diabetes, altapresyon / high blood, mataas na kolesterol, impeksyon, hika,at iba pa.  

Mayroon 21 na gamot na direktang makukuha sa mga YAKAP Clinic at hindi binabawas sa 20K. Ang 54 na gamot naman na makukuha sa mga GAMOT Pharmacies o GAMOT facilities ay ang siyang ibawas sa 20K. Ito ay hindi cash na  makukuha ng benepisyaryo kundi ito ay parang “credit limit” kada benepisyaryo sa loob ng isang  buong taon. 


2. Sino-sino ang pwedeng maka-avail ng PhilHealth GAMOT? 

Lahat ng Pilipino – ang miyembro pati na ang  kanilang kwalipikadong dependents ay maka ka-avail nito. Gayundin ang mga foreigner na may  sapat na PhilHealth contribution ay maaaring makagamit ng benepisyong ito.  


3. Ang dati bang reseta na nakuha sa  ibang check-up ay pwedeng magamit sa  pagkuha ng GAMOT? 

Hindi. Ang reseta ay makukuha lamang sa iyong  napiling YAKAP Clinic. Ang pagkuha ng gamot ay  naaayon lamang sa rekomendasyon ng YAKAP doctor sa iyong YAKAP Clinic. Kung kinakailangan ng pasyente, bibigyan siya ng Unique Prescription Security Code (UPSC) gamit ang GAMOT App.  Doon pa lamang pwedeng pumunta sa GAMOT provider.  


Kung may lumang prescription, ipakita ito sa  iyong YAKAP doctor upang ma-assess kung ito ay  tugma pa rin sa iyong pangangailangan. 


4. Ano ang kailangan dalhin sa GAMOT provider upang makuha ang mga gamot? Ang member ay kailangang magdala ng valid government ID kasama ang GAMOT prescription slip na may Unique Prescription Security Code (UPSC) na galing sa YAKAP Clinic. 


5. Gaano karaming gamot ang maaaring  makuha kada reseta? 

• Sa bawat konsultasyon, maaaring magreseta ang doktor ng hanggang tatlong (3) buwang medikasyon para sa maintenance. 

• Alinsunod sa reseta ng maintenance at iba  pang klase ng medikasyon, maaaring makuha ang gamot para sa hindi hihigit sa isang  

buwang gamutan, habang ang antibiotics ay ibinibigay nang buo ayon sa nakasaad sa  reseta.  

Kung hindi pa naibibigay ang kabuuang dami  ng gamot, itago o tandaan ang UPSC ng iyong GAMOT Prescription upang makuha ito sa mga  susunod na transaksyon.  


6. Paano kung nawala ang GAMOT Prescription na naglalaman ng UPSC? Maaaring ma-access ng GAMOT Facility ang iyong GAMOT Prescription sa pamamagitan ng Unique Prescription Security Code (UPSC). Maaaring  kuhanan ng litrato ang parteng ito ng GAMOT Prescription upang magamit sa bawat transaksyon  na kinakailangan. 

Kung hindi ito natatandaan at nakuhanan ng  litrato, makipag-ugnayan sa iyong YAKAP Pro vider para makuha ang UPSC ng iyong GAMOT Prescription.  

PAALALA 

Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth hotline, 8662-2588.  

para sa ibang katanungan. 


Kung gusto ninyo kami ang tumawag sa inyo, I-text ang 

 PHICallback <space> 

Mobile no. na tatawagan <space>  detalye ng concern sa  

0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. 


Pwede ring tumawag mula sa  

aming website. Mag-log-in sa  

at pindutin ang 'CLICK TO CALL'



Nakapili ka na ba ng YAKAP Clinic?

 
 

by Info @Brand Zone | February 14, 2026




31 taon nang ka-YAKAP ang Pilipino sa kalusugang sigurado. Kasangga ng bawat Pilipino. PhilHealth YAKAP, para malayo sa sakit. TIgnan ang pinakamalapit na YAKAP Clinic sayo!



Pinaaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng miyembro na  nais lumipat ng kanilang PhilHealth YAKAP Clinic ay maaaring magtungo sa mga PhilHealth Local Health Insurance Office hanggang sa Biyernes, ika-26 ng Disyembre. Ito ay upang matiyak na tuloy tuloy ang pagtanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Program. 


Para lumipat sa ibang YAKAP Clinic, mayroon man o walang naganap na First Patient Encounter (FPE), kailangang pumunta ang miyembro o ang kanilang dependent sa pinakamalapit na LHIO upang  magsumite ng nasagutang Primary Care Selection Form (PCSF). Sasailalim din ang mga miyembro sa  beripikasyon gamit ang PhilHealth Check Utility (PCU). Ipapaalam ng PhilHealth sa pamamagitan ng email ang detalye ng paglipat, na magiging epektibo sa oras na maaprubahan ito simula Enero 1, 2026. 

Tatanggap din ang PhilHealth Action Center (02) 866-225-88 ng mga request para sa paglilipat  hanggang Disyembre 31, 2025. 


Pinapayagan din ng PhilHealth ang paglipat sa pamamagitan ng kinatawan, basta’t may dalang  authorization letter, isang valid na government-issued ID (o katumbas na dokumento), at kumpletong  PhilHealth Member Registration Form (PMRF) o PhilHealth Claim Form (PCF), kung kinakailangan. 


Ipinapaalala ng PhilHealth sa mga miyembro na ang mga hindi pa nakakapag-FPE ay maaaring humiling  na lumipat ng provider anumang oras. Kapag naaprubahan, magkakabisa agad ang mga paglilipat na  ito. Para sa mga nakagamit na ng FPE, maaari lamang mag-request ng paglipat tuwing ika-apat na  quarter ng taon (Oktubre hanggang Disyembre). 


Maaaring tingnan ng mga miyembro ang listahan ng mga YAKAP Clinic sa www.philhealth.gov.ph  upang makapili ng malapit na pasilidad sa kanilang lokasyon para gabayan sa kanilang pagpili. Regular  na ina-update ang listahan para sa mga bagong accredited na YAKAP Clinic at contact details.  


Ayon kay PhilHealth President at CEO, Dr. Edwin M. Mercado, “Ito ang direktiba ng Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. - na magamit at mailapit ang primary care benefits sa lahat ng Filipino. Ang  bawat miyembro ay may kalayaang pumili ng YAKAP Clinic upang mas madaling magamit ang  benepisyo ng PhilHealth YAKAP. Maaaring ito ay malapit sa kanilang tahanan o trabaho para  masiguro ang kaayusan at kalusugan ng buong pamilya”, wika niya. 


Nag-aalok ang PhilHealth YAKAP ng mga libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng regular na checkup, mga laboratory test, cancer screening at mga gamot sa ilalim ng PhilHealth GAMOT (Guaranteed Accessible Medications for Outpatient Treatment).


Para sa karagdagang katanungan tungkol sa mga benepisyo at serbisyo, maaaring tumawag ang mga  miyembro sa PhilHealth’s 24/7 Hotline sa (02) 866-225-88. Maaari rin makipag-ugnayan sa mga mobile numbers (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-127-5987, 0917-110-9812.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page