top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Taduran 'patayan' na sa training kontra Moreno

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 7, 2026



Taduran 'patayan' na sa training kontra Moreno

Photo: Todo na sa sparring si Pedro Kid Taduran kay Jerwin Ancajas para mapaghandaan ang laban sa Linggo kay Brandon Moreno ng Spain. (videopix)


  

Nakakapanibago sa paningin ang naiibang katayuan ni dating longtime super-flyweight titlist na si Jerwin “Prettyboy” Ancajas na puspos sa paggabay at tumatayong trainer ni reigning at defending International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran bilang preparasyon kontra sa unbeaten challenger na si Brandon Moreno ng Spain sa Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Kiva Auditorium sa Albuquerque, New Mexico.


Sa inilabas na video ng manager at trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez, ipinakita nito ang mitts training at movement ni Taduran sa ibabaw ng ring kasunod ng malulutong na suntok na binibitawan bilang parte ng ensayo ng 30-anyos na southpaw.


Maririnig sa video ang malulutong na upak ng tubong Libon, Albay, habang bumabanat, kaakibat ang mga taktika na maaaring gawin kay Moreno. “Patamaan mo ng kaunti, yan patulugin mo din. Bang,” pabirong hirit ni Jimenez patungkol sa mga suntok ni Taduran kay Ancajas, na tinawag rin nitong “Pretty Roach” na may pagka- coach Freddie Roach ang dating.


 “Mga game plan na lang ang pinag-uusapan at ginagawa namin dito sa ensayo. Nakapag-sparring na naman daw siya sa Pinas. Mabuti na rin ang kanyang kondisyon,” pahayag ni Joven sa mensahe sa Bulgar Sports, kasunod ng kanilang ensayo sa Knuckleheads Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada katuwang sina Jino Rodrigo, Pete Sussens at Ancajas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page