top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Foxies sinakmal ang Thunderbelles kakapit sa agawan ng PVL semis

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 6, 2026



Umatake ng hataw si Riza Nogales ng Zus Thunderbelles pero mabilis na na-block ni Frances Molina ng Farm Fresh Foxies sa PVL game

Photo: Umatake ng hataw si Riza Nogales ng Zus Thunderbelles pero mabilis na na-block ni Frances Molina ng Farm Fresh Foxies sa PVL game kahapon. (pvlpix) 



Mga laro sa Sabado

(Philsports Arena)

1 pm – NXLed vs Capital1

6 pm – Choco Mucho vs Akari 


Muling nagpamalas ng katatagan ang Farm Fresh Foxies upang matakasan ang pagpalag ng utol na Zus Coffee Thunderbelles na nagtapos sa 25-21, 16-25, 21-25, 25-19, 15-10, upang manatiling nakakapit para sa agawan sa semifinal seat ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.


Umangat sa 3-2 kartada sa solo 4th place ang Farm Fresh na pinagbidahan ni Honey Royse Tubino sa 20 puntos. Nagawang bumuhos ng husto sa 4th set ang Foxies na kanilang nabitbit patungo sa deciding set. 


Sumegunda sa scoring ang beteranong outside hitter na si Ces Molina sa 18 puntos habang pumalo rin si Trisha Tubu sa 17 puntos. “Mas mahirap ang panalong ito kumpara sa mga nauna naming victories dahil pride ang nakataya, at alam naming ibinigay talaga ng ZUS Coffee ang best nila,” wika ng dating conference MVP.


“Alam namin kung gaano kahalaga ang larong ito as we move forward to our next games. Mas mabibigat pa ang mga susunod naming laban, kaya kailangan talaga naming makuha ang panalong ito.”


Bumagsak sa 0-5 rekord ang Thunderbelles na pinagbidahan ng game-high ni Alex Miner sa 21 puntos.


1 Comment


Olivier
9 hours ago

Ang ganda ng laro ng Farm Fresh Foxies! Sobrang matindi ang laban laban sa Zus Coffee, pero talagang pinatunayan nila uno online ang kanilang katatagan sa deciding 5th set.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page