top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Canoy tuloy ang puksaan kontra Collazo sa Enero

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 6, 2026



Canoy tuloy ang puksaan kontra Collazo sa Enero

Photo: Matutuloy na ang bakbakang Canoy-Collazo sa Enero 2027. (pinoysportsanalyst) 



Gaya ng naunang paghahanda, tuloy pa rin ang mga plano ni Filipino challenger Joey “The Baby Face” Canoy kontra kay Puerto Rican minimumweight champion Oscar ‘El Pupilo” Collazo upang ipagpatuloy ang naudlot na tapatan na itinakda sa Enero 9, 2027 sa teritoryo ng kalaban sa Puerto Rico para sa isang world title fight.


Wala na umanong atrasan ang naunang pagkaka-antala ng laban kasunod ng problema sa US visa ni Canoy na dapat nakatakda noong Hunyo 20 sa California, U.S.A. kung saan napilitang labanan ng 29-anyos na Puerto Rican si Neider Valdez para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) International flyweight title, na nagtapos sa 2nd round knockout.


“Sabi ni boss JC (Manangquil) na tuloy lang ang chance pwede kami maglaban, kaya ngayon masaya ako at ng coaches ko na nabigyan ako ng pagkakataon na maglaban kami,” pahayag ni Canoy sa panayam nito sa Bulgar Sports kahapon na sasampa sa laban tangan ang nine-fight winning streak kabilang ang 6 round unanimous decision panalo kontra Remark Antaran nitong Oktubre 11 sa General Santos City.


Para kay Canoy, hindi nito palalampasin ang laban na tapusin ang malinis na kartada ni Collazo (15-0, 12 KOs). “Nakakadismaya noong hindi matuloy ‘yung laban namin, kase one-week na lang paalis na sana kami kaso nagka-problema. Pero tuloy pa din ang gameplan namin nila coach (JR Edurot) kung paano siya puwede sabayan at papasukin,” esplika ng dating World Boxing Council International minimumweight titlist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page