top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tacloban govt., todo-sorry sa mga gurong isinakay sa dump truck nu'ng BSKE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2023
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023




Naglabas ng paumanhin nitong Biyernes ang pamahalaang lungsod ng Tacloban matapos ang viral post ng isang guro na nagsasabing sila ay dinala papunta sa mga paaralan gamit ang isang dump truck sa araw ng barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) noong Oktubre 30.


"We, in the city (government) are trying to improve public service as best as we can. We may have committed a mistake, but it does not mean that we do not give you importance," sabi sa inilabas na pahayag.


Ang guro, na may-ari ng naburang post, ay nagpahayag ng pagkadismaya hinggil sa pagtrato na kanilang natanggap habang sila ay nagbo-volunteer para sa eleksyon.


Nagpasalamat naman ang city administrator sa guro sa pagbibigay-alam sa kanila ng anumang pagkakamali o alalahanin upang makapagbigay ng mas magandang kalidad ng serbisyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page