Taas-taya sa lotto
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by BRT @News | January 31, 2026

Photo: File / Philippine Charity Sweepstakes Office PCSO
Mula sa kasalukuyang P20, magiging P25 na ang presyo ng lotto ticket simula Pebrero 1, 2026 dahil palalakihin umano ang minimum jackpot at mga consolation prize nito.
Ang tatama ng apat na numero, maaari nang manalo ng P1 milyon.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isang post sa kanilang social media account, bagama’t kasama sa mga pagbabago ang maingat na pagtaas sa presyo ng ticket, layunin nitong magbigay sa mga manlalaro ng “more competitive ‘risk-to-reward’ ratio.”
Ayon sa PCSO, mananatili ang progressive jackpot system. Kapag walang nanalo ng jackpot, patuloy na lalaki ang premyo hanggang sa may tumama sa lahat ng anim na numero.
Ani PCSO General Manager Mel Robles, ipinapakita sa naturang pagbabago ang pagsisikap ng PCSO na gawing mas kapana-panabik at mas kapaki-pakinabang ang bawat draw para sa mga manlalaro.








Comments