Taas-singil sa tubig

ni Mervin Reyes @News | September 12, 2026

Photo: File
Asahan na ang dagdag-singil sa bill ng tubig para sa mga customer ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company.
Ito ang inanunsyo ng MWSS Regulatory Office kasunod ng inaprubahang foreign currency differential adjustment ng mga water concessionaire na magiging epektibo sa Oktubre.
Para sa mga customer ng Maynilad, may dagdag na P0.67 sa buwanang singil ng residential consumers na may konsumo na 10 cubic meters. Aabot naman sa P2.54 ang dagdag para sa 20 cubic meters, at P5.19 para sa 30 cubic meters na konsumo kada buwan.
Sa panig naman ng Manila Water, may dagdag na P0.34 para sa 10 cubic meters, P0.75 para sa 20 cubic meters, at P1.53 para sa 30 cubic meters na konsumo.
Mananatiling exempted sa water bill adjustment ang mga customer na kabilang sa low-income households at sa enhanced lifeline program ng dalawang kumpanya.





Comments