Taas-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

57 minutes ago
1 min read
ni Gina Plenago @News | November 14, 2026

Photo: File
May panibagong dagdag-gastos sa mga konsyumer matapos ianunsyo ng Meralco ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong Nobyembre 2026.
Aabot sa P0.49 kada kilowatt-hour (kWh) ang dagdag-singil dahil sa pagtaas ng generation charge, bunsod ng pagmahal ng natural gas at paghina ng halaga ng piso kontra US dollar.
Katumbas ito ng humigit-kumulang P98 na dagdag sa buwanang bayarin ng mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh.





Comments