Taas-singil sa kuryente ngayong Enero — Meralco
- BULGAR
- Jan 10, 2023
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 10, 2023

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga konsyumer na may pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Enero 2023.
Sa isang advisory ngayong Martes, sinabi ng Meralco na asahan na ang pagtaas sa kanilang overall rate para sa tipikal na tirahan ng 62.32 sentimo per kilowatt-hour (kWh) hanggang P10.9001/kWh ngayong Enero, mula sa P10.2769/kWh noong Disyembre ng nakaraang taon.
Anang kumpanya, dahil ito sa 33.16 sentimo hanggang P7.1291/kWh na pagtaas sa generation charge mula sa P6.7975/kWh noong nakaraang buwan at pagtatapos ng P0.28 refund, anang kumpanya.
“Higher generation charge and the completion of a distribution-related refund drove the rate increase,” pahayag ng Meralco.
Aabot ang dagdag-singil sa kuryente ng mga konsyumer sa kanilang January 2023 billing, sa P124 para sa kumokonsumo ng 200 per kWh; P186 sa 300/kWh; P248 sa 400/kWh at nasa P310 sa kumokonsumo ng 500/kwh .C





Comments