top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Taas-sahod, dapat pag-aralang maigi

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2023
1 min read

@Editorial | March 15, 2023



Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tila iisa na lang daw ang hindi pa tumataas — at ito ay ang sahod ng mga manggagawa.


Kaya aprub sa mga empleyado ang panukalang-batas na itaas ang arawang sahod sa P750. Sa kasalukuyan, P570 ang minimum wage sa Metro Manila.


Isinusulong ang umento sa katwirang nakakabawi na umano ang pribadong sektor mula sa pandemya.


Gayunman, may mga panawagan din na sa halip na unahin ang taas-sahod, pagtuunan muna raw ang dagdag-trabaho, kung saan milyun-milyong Pinoy pa rin ang tambay.


Bagama’t may mga nagbubukas nang negosyo at maraming iniaalok na trabaho, tila mailap ang pagkakataon sa mga aplikante, ano kaya ang dahilan? Mahalagang matukoy ito ng kinauukulan.


Lagi nating sinasabi na ang panawagang umento sa suweldo ay hindi simpleng usapin.


Ito ay pinag-aaralang maigi at higit sa lahat, binabalanse. Batid natin na malaking tulong at kailangan ito ng mga manggagawa, pero marapat din na alamin muna kung ito ba ay kakayanin ng mga employer.


Pero sa mga negosyante na nakakaluwag-luwag, puwede namang magkusa at alalayan ang mga tauhan na hirap pa rin dulot ng pandemya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page